Thursday, August 4, 2011

Gago ba U?

Malupit na ang mundo. Karamihan ng tao hindi na alam kung ano ang kaibahan ng paglalaro sa pagseseryoso. May mga pagkakataon na pwedeng pwede ka magsabi ng masama maski kaharap mo ang kapwa mo, lagyan mo lang ng "Joke" sa dulo ayos na ulit.

Tulad ng paglalaro ng mga lalaking walang magawa sa buhay. Kapag hindi nila nakuha ang babaeng gusto nila, bigla-bigla na lang nanggagago ng iba. Porket nagsabi lang ang babae ng "Oo, gusto kita." sige lang ng sige. Kahit wala naman talagang nararamdaman, manliligaw na lang agad-agad. Paano ba naman kasi, mukhang siguradong sigurado sila sa babaeng umamin sa kanila. Pero pwede ba, pakiusap lang. Hindi porket ganun ang sitwasyon, pwede na manggago. Masamang biro ito. Hindi ito yung tipong nakakatawa kapag sinabing "Ay joke lang pala" sa dulo.

No comments: