Wednesday, August 3, 2011

LATE

Limang senyales na hindi ka late..
1. Nagawa mo pang mag sing and dance concert ng bonggang-bongga sa loob ng banyo.
2. Madilim pa at hindi pa nagbubukas ang mga tindahan na nadadaanan mo.
3. Nakakapag munimuni ka habang nalalakad, at may nalalaman ka pang “few minutes of silence”.
4. Naglalakad ka na parang mayroong prusisyon.
5. Pakiramdam mo ang ganda o ang gwapo mo kasi hindi ka pinagpapawisan. Cool lang eh.

Limang senyales na late ka na..
1. Hindi ka na nakaligo. Wisik-wisik na lang.
2. Madilim na at magsasara na ang mga tindahan na nadadaanan mo.
3. Hindi ka mapakali sa kakadasal na sana mauna ka sa prof o boss mo.
4. Mas mabilis ka pang maglakad kesa sa takbo ng mga kotse. At talaga naman nago-overtake ka pa sa mga taong mabagal maglakad.
5. Pakiramdam mo basa na ang kilikili mo.

No comments: