Wednesday, August 3, 2011

RF: Kapag Pinuri Kita, Totoo yun.

Sa panahon ni Vice Ganda, nauuso sa atin yung mga banat niya. Mga tipong sobra ang pagka-sarkastiko. Siguro nga, oo nakakatawa talaga yun. Pero hindi laging nakakatuwa. Ngayon kasi parang nalilimutan natin na mang-puri ng ibang tao.

Halimbawa.. May magandang bag.. Imbes na sabihin “Ang ganda ng bag mo.”
Ang kadalasan na nasasabi.. “Ikaw na! Ikaw na may magandang bag!”

Nakakaloka diba? Okay naman yun sa telebisyon pero pag sa totoong buhay palaging ganyan ang binanat sayo.. Ewan ko na lang kung matuwa ka pa.

Ako yung taong mahilig mampuri. Siguro nga kasi alam ko na makakapagpasaya yun.. Pero hindi ko sinasabi yun para lang matuwa ka. Totoo yun. Walang halong biro. Walang halong pagka-sarkastiko. Pag maganda, sinasabi ko talaga. Wala naman mawawala sa akin..
Kaya ngayon sasabihin ko..

ANG GANDA at GWAPO niyo naman.. Pahingi ng regalo. :D
WAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAAH!

No comments: