Saturday, August 6, 2011

Too Many Info: Gender Issues

Makikiuso na rin ako sa mga TMI na iyan.
Babae ako pero kapag umasta ako bakla. Kaya nga tinatawag nila akong babaeng bakla. Kahit na ganun, sinasabihan ako ng mga Lolo at Lola ko na “Tomboy” daw ako. Kasi hindi daw ako babae kumilos tapos wala pa akong nagiging boypren sa buong buhay ko. Siguro nga, kumbaga sa kape all-in-one na ako.
Girl, boy, bakla, tomboy, butiki, baboy. 

Yung mga kaklase kong lalaki ngayong college, pinagkakamalan rin akong tomboy. Kasi kapag maganda ang isang babae, na-appreciate ko yun. Hindi ako yung tipong pag may mas maganda sa akin, eh sasabihin ko na “Mas maganda ako sa kanya.” Para sa akin, kayabangan yun.. Kaya pinupuri ko talaga. Eh ang pagkakaintindi ng mga kaklase kong lalake sa mga ganun, eh tomboy na ako. Meron pa isang case na “Pahawak nga ng boobs mo.”

Kahit ano pa yan, babae pa rin ako. Bukod sa pagiging pusong babae, meron pa rin akong ano tsaka dalawang medium sized na ano.

Kaya ayun. TMI lang. :P

No comments: