Wednesday, August 3, 2011

Nothing To Display

Nakikita ang “Nothing to display” sa telepono ko kapag isa itong blangkong message. Ewan ko lang kung pati sa mga telepono niyo ganun din. O kaya naman ibang version naman. Wala talaga akong ma-post ngayon, at talagang sinabayan ng pagkabusy-busyhan sa iskwela. 

Nakakainis lang. Kasi minsan, andun na yung emosyon. Andun na yung utak. Andun na yung isip. Andun na yung inspirasyon. Ang gagawin mo na lang eh ang magsulat at isipin kung paano mo masasabi ang gusto mong sabihin. Tapos bigla kang tatamarin. Ang manyayari, hindi mo na masusulat agad kasi sabi mo, next time na lang.

Hanggang sa dumating ang next time. Tapos wala na yung emosyon. Wala na yung utak. Wala na yung isip. Wala na yung inspirasyon. Hanggang sa tuluyan ka nang walang masulat. Nanyari na ba iyon sa iyo?
Wala lang. Sharing lang kuno. Alam mo ba, gusto ko pala magkaroon o magpaggawa ng t-shirt na may nakasulat sa  harapan na sobrang laki..

“BAKLA AKO”

tapos sa likod naman nung t-shirt may nakasulat..

“MANIWALA TANGA”

No comments: