Saturday, August 6, 2011

Eh Kung Pakamatay na Kaya Ako?

Hindi ko alam kung bakit ako naapektuhan. Sa mga nakikita ko, sa mga nababasa ko, sa lahat ng naririnig kong tumatakbo sa utak ko. Basta. Napakalabo, napaka-gulo. Sabi ko sa sarili ko ayos lang. Ayos lang na ganito lang ako. Ganito lang kami. Kahit hindi seryoso wala akong pakialam kasi hindi pa naman talaga ako seryoso. Alam kong yun lang ang habol niya. At alam kong yun rin lang ang habol ko.

Pero bakit ba nakakaapekto? Pwede naman sabihin na tumigil na lang. Itigil na lang ang lahat ng ito. Hindi yung nagpapalipas oras sa mga ganitong bagay habang inaantay ang totoo. Gusto kong magalit sa sarili ko kung bakit hinayaan kong maging ganito ang buhay ko. Gusto ko ng itigil lahat ng ito dahil alam kong isang malaking kagaguhan na naman ito. Walang kwenta at walang patutunguhan.

Tama na. Ayoko na. Ayoko na ng ganitong buhay. Ayoko ng ganitong pagkatao. Gusto kong ibalik ang pagkainosente. Yung tunay na masasabing "echoserang bata".

No comments: