Wednesday, August 3, 2011

Ipagpalagay na lang na kunwari, madami akong alam sa mga bagay na ganito.
Alam mong gusto mo sya. Alam niyang gusto ka niya. Ano pang inaantay mo? Nasasayang ang oras oh, tignan mo. Malapit na nga daw mag-end of the world, kaya umamin ka na. Hindi yung parang sasabihin mo na “walang buhay” ang buhay mo. Alam naman natin na kaya mo yan nasasabi kasi “wala siya sa buhay mo”. Wag kang mag-senti at umiyak sa tabi, gumawa ka ng aksyon. Tumatakbo ang oras. Kailan ka gagalaw, pag huli na ang lahat? 

Gusto ka rin nun, baka maling timing lang. Galingan mo sa pag-timing ngayon.

No comments: