Wednesday, August 3, 2011

Matandang Mahilig

Babala: Ang mga sumusunod na salita ay hindi kaaya-aya. Patnubay ng magulang ay kailangan.

Pwedeng magkwento? O game.

Araw-araw na lang. Ilang beses niyo na rin siguro narinig yung mga kwentong lrt ko. Isa na naman ito doon. Tulad ng dati, kasabay ko ang aking soulmate sister na si Vea (veajallorina) kapag uwian. Kadalasan, dahil sa mabigat na mga libro, sa lapag ng lrt nakalagay yung mga bag namin. 

Sa isang poste, lima kaming nakapalibot doon. Ako, si Vea, yung dalawang mag-jowa at ang punyetang manyak na matandang mahilig. Usap. Usap. Masakit na ang ulo ni Vea dahil sa sipon, ako naman may sipon rin pero hindi pa ganun kabigat yung ulo ko. Kaya ko pa naman. 

Maya-maya.. Yumuko at kinuha ni Vea yung cellphone niya sa bag niya para itext ang kanyang amang hari na sunduin siya sa Santolan dahil hindi na nga niya kaya. Nagulat ako ng i-harap niya sa akin ang cellphone niya at may ipinabasa.

“CEA, kadiri yung mamang katabi ko.. Nagjia-jiakol..”
WHAT THE FUCK MEHN? Anong trip yan. Nagulat ako. Syempre para makasigurado, iginala ko yung mata ko at dinaanan ko siya ng tingin. 

PUNYETA! Oo nga! Nakita ko. Bukas ang zipper niya at kung anu-ano ginagawa niya sa kanyang angry bird! WTF. Sobrang nasuka ako nun. Lalo naman si Vea dahil masakit na nga ulo niya, tas makakakita pa siya ng punyetang kamanyakan?!

Natakot ako nung una, naisip ko kasi.. “Ano ang nasa isip niya habang ginagawa niya iyon?” 
Tinanong ko si Vea.. Gets niya na.. Sabay turo sa babaeng maganda at maputi na kasama ang boypren niya. Kawawang dalaga.. Hindi niya alam na nakikipag-sex na siya sa isip ni Manong manyak.
Cubao Station. Rinig ni Vea ang pagsara sa punyetang zipper ng punyetang manyak na matandang hukluban.

GRABE LANG TALAGA.

Para kay Manong Manyak ang mensahe na ito.. Pati na rin sa mga kagaya niya.
Gets ko kung makipag-sex ka sa kamay mo, sa kwarto. Sa banyo. Kahit saan basta pribadong lugar! Wag naman sa pampublikong lugar na maraming“inosenteng echosera” ang makakakita. Tsaka pwede ba kung paiiralin mo yang kamanyakan at kalibugan mo, wag ka na mang-damay ng ibang tao. Walang kaalam-alam yung tao na nasa isipan mo na sila na tipong nagsho-show. Walang hiya.Nirerespeto ko ang “Kanya-kanyang trip policy” pero alamin mo pa rin kung anong mga limitasyon nito.

2 comments:

batu bata merah said...

terima kasih semoga laris manis batu bata

bata merah said...

thank you for all information