Wednesday, August 3, 2011

Kailangan ko ng Oras

Maraming tao ang nahihirapan tumigil. Sa kahit anong bagay, sa kahit anong aspeto ng buhay.

Tulad na lamang ng mga taong mayroong bisyo. Halimbawa, pag-inom ng alak at pag-yoyosi. Karamihan sa kanila, sinasabing titigil na. Pero hindi naman talaga ganun kabilis yun. Kailangan ng oras para tuluyang huminto sila sa kanilang mga bisyo.

Tulad ng isang taong nagmamahal. Kahit nahihirapan na o nasasaktan, tuloy pa rin. Kapag nakakapag-isip, sinasabi sa sarili na ititigil na, pero ang resulta, wala pa rin. Ganun pa rin. Masyadong maraming konsiderasyon na binibigay. Minsan pa nga ang mga taong ganito, kahit alam naman nilang walang pag-asa, humihingi pa ng kung anu-anong senyales. Tapos kapag nanyari yung hiningi nilang sign, pero hindi naman umayon sa gusto nila, pilit nagbubulag-bulagan. Pilit na isinasantabi at hindi pa rin titigil. Patuloy pa rin. 

Ang labo ano?

Ganun nga kasi talaga siguro. Kailangan mo ng oras.

No comments: