Wednesday, August 3, 2011

Matutong makinig para hindi mag-away.

Nakakainis yung mga taong hindi marunong makinig.. Yung tipong nagpipilit at nagsasabi na naiintindihan ka nila pero hindi naman talaga. At dahil sa paniniwala nila na nauunawan nila ang punto mo, hindi na sila makikinig sa mga sasabihin mo. Pakiramdam kasi nila alam na nila yun kahit hindi naman talaga.

Pero lahat naman tayo ganito eh. May mga pagkakataon talaga na hindi tayo marunong makinig. Hindi tayo marunong maniwala. Pakiramdam natin alam na natin ang lahat. Pinipili lang natin ang gusto nating pakinggan. Pinipili lang natin kung ano ang gusto natin malaman. Kaya nga minsan, may mga taong mas pinipili na pakinggan ang mga kasinungalingan kesa sa katotohanan.

No comments: