Saturday, August 27, 2011

Paalam


Para sayo pala ito.

Dalawang buwan. Hindi ko alam kung ano ba tayo nung dalawang buwan na iyon. Sabi mo kasi, hintayin natin na maging sigurado muna tayo sa isa't-isa. Pero hindi ko alam kung bakit sa paghihintay na iyon, biglang nawala lahat. Dati palaging ikaw ang iniisip ko. Sana ganito, sana ganyan, todo isip kung magiging ano tayo. Laging may oras, laging naghahanap ng oras. Lahat ng sinasabi binibigyan ng kahulugan para kiligin at mapasaya ang sarili.

Hindi ko alam kung naging totoo ka sa akin. Kung lahat ng sinabi mo, lahat ng ginawa mo ay bukal sa puso. Basta ako naging totoo ako sayo.

Kung tutuusin para tayong mga kaluluwang ligaw na naghahanap ng makakasama. Naging masaya ako nung mga panahon na iyon, yung tipong alam kong may naghihintay para sa akin. At ganun din naman ang sayo. Naghihintay rin ako.

Kapag nakikita ko kung anong mga sinasabi mo, hindi ako makapaniwala. Kasi hindi ko naman talaga nararamdaman ang mga iyon. Bumaba ang tingin ko sayo. Para kang isang cotton candy. Malaki nga, madami, sweet pero walang laman. Ganun din ang mga salita mo. Puro ambisyon, puro tamis, puro maganda ang naririnig ko. Pero hindi ko naman makita sa kung anong ginagawa mo.

Minsan talaga, hindi mo maiiwasan na magsawa sa kahihintay. Akala ko lang pala na mahal na kita. Hindi pala. Isang malaking kagaguhan lang ang lahat. Alam ko naman na ganun din ang naramdaman mo dahil kung hindi, sana hinahanap-hanap mo rin ako. Walang closure. Pero wala rin naman siguro talaga dapat.. dahil una pa lang, hindi naman tayo. Parang tayo lang.

Salamat at naging parte ka ng buhay ko. Habang tumatagal, lalong tumatatak sa isip ko na magkaiba ang mahal sa gusto. Pinamulat mo rin sa akin na hindi dapat sinasabi ang salitang "I love you" sa taong hindi mo ka naman sigurado kung mahal mo.

No comments: