Wednesday, August 3, 2011

Pampublikong Landian

Isa na naman kwentong LRT ito. 

Kanina habang nakasakay na naman ako sa train, may apat na magkakaibigan. O pwede na rin nating sabihin na tig-isa sila ng partner. Yung isang mag-partner, babae at lalaki. Normal. Yung isa naman, babae at babae na pusong lalaki. Normal.

Ayos lang. Wala akong pakialam. Kaso nga lang, hindi talaga nila mapigilan ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Ayun, todo PDA silang apat. Yung babae akala mo ahas kung makalingkis dun sa boypren niya. Tapos yung babaeng pusong lalaki, todo rin sa gurlet niya.

Ang sakit lang sa mata makakita ng mga ganung panyayari. Tipong ako yung nahihiya na nakakakita sa mga gawain nila.

Ewan. Alam ko kanya-kanyang trip yan. Mahal mo girlpren mo. Mahal mo boypren mo.

Pero pakiusap lang po, sana inilalagay sa lugar.

O baka siguro hindi ko lang ma-gets yung trip nila.

No comments: