Wednesday, August 31, 2011


Ano ba ang tingin mo sa sarili mo?
Iba-iba eh. Yung iba pakiramdam nila gustong-gusto sila. Mahal na mahal sila ng mga taong nasa paligid nila. Yung iba naman pakiramdam nila walang pakialam ang lahat sa kanya. Yung tipong kapag nawala siya, walang makaka-miss sa kanya. Hindi siya hahanap-hanapin.
Minsan akala mo lahat ng ginagawa mo wala lang sa kanya, yun pala pinahahalagahan niya rin lahat. Pwede rin naman na akala mo pinahahalagahan niya pero yun pala wala lang sa kanya.
Kailangan rin pala timbangin ang tingin o pagpapahalaga sayo ng tao. Para naman kahit mahirap, eh mai-lugar mo ang sarili mo.

Mahal mo ba siya talaga?


A psychological question, no name was mentioned. Suddenly someone came into your mind.
—Alam ko posibleng natanggap mo na itong mensaheng ito. Nung nabasa ko itong mensahe na to, hindi tao ang napunta sa utak ko. Kundi tanong. 
“Sino naman?”
Depende kasi ito sa tao. Kapag alam mong nagmamahal ka na ng tunay, wala nang iba ang papasok sa isip mo. Pero pwede rin naman manyari sayo yung nanyari sa akin. Kumbaga “break” muna sa pagmamahal. Pwede naman sigurong magpahinga sa pagmamahal diba? Nakakapagod din kasi.

Saturday, August 27, 2011

Paalam


Para sayo pala ito.

Dalawang buwan. Hindi ko alam kung ano ba tayo nung dalawang buwan na iyon. Sabi mo kasi, hintayin natin na maging sigurado muna tayo sa isa't-isa. Pero hindi ko alam kung bakit sa paghihintay na iyon, biglang nawala lahat. Dati palaging ikaw ang iniisip ko. Sana ganito, sana ganyan, todo isip kung magiging ano tayo. Laging may oras, laging naghahanap ng oras. Lahat ng sinasabi binibigyan ng kahulugan para kiligin at mapasaya ang sarili.

Hindi ko alam kung naging totoo ka sa akin. Kung lahat ng sinabi mo, lahat ng ginawa mo ay bukal sa puso. Basta ako naging totoo ako sayo.

Kung tutuusin para tayong mga kaluluwang ligaw na naghahanap ng makakasama. Naging masaya ako nung mga panahon na iyon, yung tipong alam kong may naghihintay para sa akin. At ganun din naman ang sayo. Naghihintay rin ako.

Kapag nakikita ko kung anong mga sinasabi mo, hindi ako makapaniwala. Kasi hindi ko naman talaga nararamdaman ang mga iyon. Bumaba ang tingin ko sayo. Para kang isang cotton candy. Malaki nga, madami, sweet pero walang laman. Ganun din ang mga salita mo. Puro ambisyon, puro tamis, puro maganda ang naririnig ko. Pero hindi ko naman makita sa kung anong ginagawa mo.

Minsan talaga, hindi mo maiiwasan na magsawa sa kahihintay. Akala ko lang pala na mahal na kita. Hindi pala. Isang malaking kagaguhan lang ang lahat. Alam ko naman na ganun din ang naramdaman mo dahil kung hindi, sana hinahanap-hanap mo rin ako. Walang closure. Pero wala rin naman siguro talaga dapat.. dahil una pa lang, hindi naman tayo. Parang tayo lang.

Salamat at naging parte ka ng buhay ko. Habang tumatagal, lalong tumatatak sa isip ko na magkaiba ang mahal sa gusto. Pinamulat mo rin sa akin na hindi dapat sinasabi ang salitang "I love you" sa taong hindi mo ka naman sigurado kung mahal mo.

Friday, August 26, 2011

Take One! Shoot! Cut!


Scene 1: Exterior. Naglalakad si Georgina sa parking lot. Maganda ang suot. May gala. May party. May booking. Hawak ang pinakabagong modelo ng I-Phone. Kausap ang kaibigan na si Kimberly. Biglang may sumulpot na lalaki sa isang tabi, sabay bubulong at tututok ng baril. May kasamang ngiti. May kasamang tawa. Halatang-halata ang ka-demonyohan sa kanyang mga mata. Matutulala si Georgina. Nang makatakbo ang lalaki, saka matatauhan si Georgina at sisigaw. BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH.

Busy kanina kaka-shooting. Pangalawang araw na at huling araw na ng shoot namin para sa isang pa-importanteng subject sa iskwela. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ba talagang papel ko doon. O baka siguro isang epal na pumapapel at nagpapanggap na nagni-ninja. Basta natuwa ako nung sinabihan ako ng kaklase ko na "Mukha kang direktor." At yung tipong "Uy teka, yung direktor natin."

Natatawa ako na natutuwa. Dahil hindi naman lingid sa kaalaman natin na isa talaga akong babaeng malakas mangarap. Ang saya lang. Nae-excite talaga ako sa mga ganitong bagay. Pero hindi ko rin kasi siya magagawa ng pang-tunay na buhay dahil, isa akong terapista eh. Sa susunod na buhay na lang siguro, baka sakali.

Tuesday, August 23, 2011

Magpapapayat na Ako


Babala: Posibleng mainis sa mga mababasa kapag badtrip. Bukod doon, ang ilang mga ideya ay posibleng magpakita ng mga personal na isyu ng manununulat kagaya na lang ng insecurities at pagka-ambisyosa. Nga pala, normal na tao lang kasi ako.

Karamihan sa mga babae, gustong-gusto magpapayat. Hindi ko alam kung bakit ganun ang isipan ng mga kababaihan. Kahit payat naman, pakiramdam nila nag-sisigawan ang microfats nila. (Oo hindi mo naman kasi talaga kita ang taba dahil payat nga.)

Isa ako sa mga babaeng gustong magpapayat. Pero ako, totoo na may pagkataba. (Medium lang naman, pero mataba talaga. Natatakpan lang ng tamang pananamit.) Ewan ko ba pero hirap na hirap ako. Hindi ako makapag-exercise dahil nakakapagod. At hindi rin naman ako makakapag-diet dahil nakakagutom. Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit gusto ko na pumayat.

1. Mag-e-18 na ako, utang na loob. Napakalaki ng expectations ko sa mga babaeng mage-18. Pakiramdam ko kasi dapat may makita ka talagang pagbabago. Syempre magdadalaga na. Magma-mature na. Kumbaga parang isang bulate na magiging paru-paro at parang isang swan. Dapat mag-bloom na parang napakagandang bulaklak. Dapat wala na yung mga baby fats kasi nga 18 na. Hindi na baby. Paano mo matatawag na babyfats ang taba ng 18 year old na babae kung hindi na siya baby, malamang fats na lang. At hindi yun excuse. (Sa totoo lang, di ko rin naintindihan ang mga sinabi ko eh. :|)

2. Para makasuot na ako ng mga damit na cute a pwedeng bilhin sa Divisoria. Meron talagang mga cute na damit na benebenta dun. Yung mga pang-korean o kaya maski cute na t-shirt lang. Ang kaso hindi nga kasya sa akin. Masyado akong mataba para magkasya sa mga ganun. Alam mo yung tipong 100php lang yung t-shirt pero babayaran mo ay 120php dahil XL ang kukunin mo? Nakakalungkot isipin diba mga kaibigan? Charot! Yung mga shorts pa dun, ang mura. Kaso hindi rin ako kasya, pang mga sexy lang ang kasya sa ganun. Paano ako makakatipid kung puro XL na may extrang bayad ang bibilhin ko?

3. Para madali akong maakbayan. Kung iisipin mo, parang ang landi naman ng pangatlong rason ko ano? Pero para sa nanay ko yan. Kapag umaalis kasi kaming mag-ina at nagu-Ultimate Bonding Experience, naka-akbay siya sa akin. (PDA kaming magnanay eh. Pakibels mo.) Tapos lagi niyang sinasabi na ang lapad ko raw, mahirap akbayan. Kailangan ng full arm length to be able to make akbay to mehhh. (Ansave mo teh?!)

4. For Profession. Balang araw, magiging isang ganap na Licensed Physical Therapist ako. Syempre kailangan nasa kondisyon ang katawan ko. Paano ko mabubuhat ang mga pasyente kong sarili kong katawan ay hindi ko mabuhat hindi ba? Paano ko mabibigyan ng tamang exercise ang mga pasyente kung ako mismo hindi ko kayang gawin yun. Sa totoo lang, masyado akong mabilis hingalin. (Ito ata ang pinaka-valid reason ko.)

5. Para makapag-aral ng surface anataomy. Ito talaga. Kapag payat ka kasi makikita mo yung mga insertions ng tendons mo sa kamay mo. (Try mong lagyan ng tension ang kamay mo, may makikita kang mga thingy na nakakabit sa proximal part ng daliri mo.) Alam mo yung makikita mo yung mga insertions ng forearm muscles mo. Ako kasi hindi ko makita yung iba. Napaka-helpful nito kapag may practical exams kami. Example na lang na taong pwedeng pag-aralan ang surface anatomy ay si Manny Pacquiao. Talagang kitang kita mo yung Rectus Abdominis niya pati yung mga Serratus Anterior. Maski nga Serratus posterior kita mo na sa kanya. Lalo na yung Pectoral muscles. (Pasensya at nagsalita ng greek.)

6. Para manalo sa pustahan! Nako, sayang ang dalawang daan ko. :|

Sunday, August 21, 2011

Masaya!


Minsan may mga bagay o panyayari sa buhay na pinapangarap mo lang. Tapos magugulat ka, mabibigla ka kasi posible pala na magkatotoo ang mga iyon. Siguro nga, lahat naman ng bagay na hihilingin mo, maiibibigay sayo sa tamang panahon. Hindi man ngayon, bukas, o sa susunod na taon, tiyak na makakamit mo rin ang mga ito.

Minsan kasi kapag hindi natin nakukuha yung mga bagay na gusto natin, nalulungkot tayo kaagad. Nagagalit at naawa sa sarili. Pero hindi pala dapat ganun. Imbis na magmukmuk at umiyak ng buong magdamag, dapat gumawa at mag-isip para maabot ang mga iyon.

Sana talaga. Sana. Sana. Sana makuha ko na. 

Friday, August 19, 2011

Kwentong Kalyo





Yan ang mga kamay ko. Ampanget. Punong-puno ng kalyo. Magaspang. Bitak-bitak ang balat. Maraming istorya ang kamay na yan.

Second year Highschool ako nun. Kumain kami sa foodcourt ng SM Cubao. May tumutugtug na dalawang lalaking nagbebenta ng gitara. Naiinggit ako. Gusto ko din matuto niyan. Sa halagang 999 piso, nakabili ako ng isa. Yung kulay pink.

Bumili ako ng songhits na tig-50 pesos. Ayos lang, marami namang kanta. May chord chart pa. Unang-una kong natutunan nun, NARDA by KAMIKAZEE. Tuwing hapon, pagdating ko ng bahay, tutugtog na ako. Mage-ensayo. Para gumaling. Bawat araw, bawat pagtugtog, hinihiling ko na sana magkaroon na ng kalyo yung mga daliri ko. Masakit kasi. Mahapdi. Pero tulad ng sabi ng karamihan, "No Pain, No Gain." Hanggang sa kahit papaano, masasabi kong gumaling ako.
Meron pang ibang istorya yang mga kalyo ng kamay ko.

May mga pagkakataon na kapag wala akong magawa, binabalatan ko na lang yung kamay ko. Wala lang. Gusto ko lang.

Naalala ko rin dati, meron akong nagustuhan na isang gitarista ng hindi sikat na banda. Nagsisimula pa lang sila nun. Metal ang tugtugan nila. Ewan ko ba, pero para akong tanga nun. Inaya niya ako manuod ng tugtog nila. Sumama naman ako. Tapos nung byahe na, pinakita ko yung kalyo ko. Pinakita rin niya yung kalyo niya. Pero mas magaspang yung sa akin, sabi niya kasi nilalagyan daw niya ng lotion yung mga kalyo niya sa kamay. Lagyan ko rin daw yung akin.

Yun pa lang naman. Pero sigurado akong kasabay ng pagtanda ko, dadami rin ang kwentong kalyo ko.

Wednesday, August 17, 2011

"Putang Ina! Yung Kotse ko!"


Pagkatapos ng pagpapakasasa sa walang katapusang action potential, Sodium potassium pumps, OINA, Brachial Plexus at kung ano-ano pa habang umiinom ng Kape with Cinammon (Ginaya ko yung sa commercial.), medyo nakahinga na ako ng maluwag. Meron pa kaming exams pero sakto lang, di na gaya nung mga nauna tulad ng Ana at Physio. Buti naman kahit papaano, medyo makakatulog na ako ng maayos.
Practicals kanina, masaya ako kasi hindi masyado sumakit yung ulo ko. Hindi ko alam kung papasa ba ako o kung lalagpak sa resulta, basta kahit papaano medyo okay naman siguro. Mas okay ako kesa sa pinakauna namin na practicals, pwedeng hawakan yung mga cadaver. Yun nga lang, minsan may mga pagkakataon na masarap sigawan ng “Excuse me” yung ibang kaklase ko. Tumatakbo kasi yung oras, hindi lang naman sila yung tumitingin sa part nila. (1:2 kasi. Isang cadaver, dalawang estudyante.)
Badtrip lang kanina, nasira na naman yung sapatos ko. Wagas. Literal na nabutas yung sapatos ko. Bumili na lang ako ng tsinelas sa may overpass. 50php lang, sayang pero pwede na rin. Ikumpira mo na lang kapag naglakad ako pauwi habang nakayapak. Medyo maulan pa kanina, kabadong kabado ako dahil pag ako sinwerte, patay na talaga yung sapatos ko. Malamang sa malamang, hindi pa ako nakakalayo nag-hiwalay na yung mga materyales ng sapatos ko.
Pagtapos ng araw sa iskwela, diretso sa Gateway. Nuod ng sine. Oo, raks eh. May exam pa bukas pero nanuod pa ako. (About Marriage lang naman, paiiralin ko na lang ang pagka-echosera ko tungkol sa mga ganyang usapin.) Ang Babae Sa Septic Tank. Natuwa ako. Sobra. Unang beses kong makanuod ng Indie. Astig. Lalo na yung eksenang may nagyayabang na direktor. (Nakarelate ako kasi totoo nga naman na may mga ganung klaseng tao. Sobrang lakas ng hangin. Sobrang laki ng ulo.) Pero pinakamalakas na impact sa akin yung “Putang Ina! Kotse ko!” Dun talaga. The best. Ramdam ko eh. Tipong “I Feel You”.
Naalala ko kasi yung pakiramdam na sobrang saya mo na. Pakiramdam mo puro “Wohhhhoooooo!” na lang. Tapos bigla kang babasagin ng mga nakakayanig na panyayari. Sakit nun pre. Ganun din naramdaman ko nung nadukutan ako ng cellphone nung nanuod ako ng gig. Pero ganun talaga eh, tsambahan lang yan.
Nuod muna ako Biggest Loser Pinoy Edition. Baka sakaling pumayat ako kagaya nila.

"Putang Ina! Yung Kotse ko!"


Pagkatapos ng pagpapakasasa sa walang katapusang action potential, Sodium potassium pumps, OINA, Brachial Plexus at kung ano-ano pa habang umiinom ng Kape with Cinammon (Ginaya ko yung sa commercial.), medyo nakahinga na ako ng maluwag. Meron pa kaming exams pero sakto lang, di na gaya nung mga nauna tulad ng Ana at Physio. Buti naman kahit papaano, medyo makakatulog na ako ng maayos.
Practicals kanina, masaya ako kasi hindi masyado sumakit yung ulo ko. Hindi ko alam kung papasa ba ako o kung lalagpak sa resulta, basta kahit papaano medyo okay naman siguro. Mas okay ako kesa sa pinakauna namin na practicals, pwedeng hawakan yung mga cadaver. Yun nga lang, minsan may mga pagkakataon na masarap sigawan ng “Excuse me” yung ibang kaklase ko. Tumatakbo kasi yung oras, hindi lang naman sila yung tumitingin sa part nila. (1:2 kasi. Isang cadaver, dalawang estudyante.)
Badtrip lang kanina, nasira na naman yung sapatos ko. Wagas. Literal na nabutas yung sapatos ko. Bumili na lang ako ng tsinelas sa may overpass. 50php lang, sayang pero pwede na rin. Ikumpira mo na lang kapag naglakad ako pauwi habang nakayapak. Medyo maulan pa kanina, kabadong kabado ako dahil pag ako sinwerte, patay na talaga yung sapatos ko. Malamang sa malamang, hindi pa ako nakakalayo nag-hiwalay na yung mga materyales ng sapatos ko.
Pagtapos ng araw sa iskwela, diretso sa Gateway. Nuod ng sine. Oo, raks eh. May exam pa bukas pero nanuod pa ako. (About Marriage lang naman, paiiralin ko na lang ang pagka-echosera ko tungkol sa mga ganyang usapin.) Ang Babae Sa Septic Tank. Natuwa ako. Sobra. Unang beses kong makanuod ng Indie. Astig. Lalo na yung eksenang may nagyayabang na direktor. (Nakarelate ako kasi totoo nga naman na may mga ganung klaseng tao. Sobrang lakas ng hangin. Sobrang laki ng ulo.) Pero pinakamalakas na impact sa akin yung “Putang Ina! Kotse ko!” Dun talaga. The best. Ramdam ko eh. Tipong “I Feel You”.
Naalala ko kasi yung pakiramdam na sobrang saya mo na. Pakiramdam mo puro “Wohhhhoooooo!” na lang. Tapos bigla kang babasagin ng mga nakakayanig na panyayari. Sakit nun pre. Ganun din naramdaman ko nung nadukutan ako ng cellphone nung nanuod ako ng gig. Pero ganun talaga eh, tsambahan lang yan.
Nuod muna ako Biggest Loser Pinoy Edition. Baka sakaling pumayat ako kagaya nila.

Monday, August 15, 2011

Wala na akong pakialam. Matagal ko rin naman gustong itigil ito. Ayoko lang ng walang usapan na "Uy, itigil na natin ito." Pero wag ka mag-alala, hindi naman na ako aasa tulad ng inaakala mo. Alam kong napagkamalan lang natin na pag-ibig ang libog. Yun lang naman ang habol mo, sige.. Ganun na rin lang sa akin. Ba-bye.

Saturday, August 13, 2011

Kamusta Ako?

Kinakamusta ko lang yung sarili ko. Wala lang. Para lang masabi na may pakialam ako sa mga nanyayari sa buhay ko. Charot. Ang daming alam. Gusto ko lang magdaldal kasi matagal na akong hindi nagdadaldal. Ang tagal nang hindi pumuputak ang bibig ko dito sa mundong ito gamit ang mga kamay ko na nagta-type ng mga bagay na tumatakabo sa utak ko. Okay, hindi ko rin na-gets kung ano yung sinabi ko. Pero syempre, echos lang. MAGULO. INCOHERENT.
Isang linggo bago mag-exams, nabaliw ako ng panandalian. Hindi naman yung baliw na may sakit sa pag-iisip. Kumbaga parang naloka lang ako sa mga dapat gawin. Sa sobrang dami nila, kulang ang 24hrs. sa isang araw. Madalas kong marinig ang beauty sleep na dalawang oras. Napapadalas rin ang mga taong hindi naliligo na umaabot sa tatlong araw. (Oo, maski nag-dissect kami.)

Reporting, sabay-sabay. Tae lang, hindi ako marunong mag-english kaya bahala na lang umintindi ang hindi nakakaintindi. Written report, dalawa. Isang pagco-compile at conclusion, ayos lang. Pero ang discussion ang pinakamahirap. Ang lawak ng topic, hindi ko alam kung saan ako magmumukmok. Meron pa pala isa, gagawa rin ng report. Humanap ng journal sa library, natanga ako paano maghanap.

Quizzes ganun din, araw-araw. Pero wala akong paki. More quizzes, more items, more chances of winning. Ewan ko pero parang patapon lagi ang mga quiz paper ko. Tipong lulukutin mo muna bago mo itapon sa basurahan. Bawi. Bawi. Laban o Bawi.

Namimiss ko na kumain ng madami. Ewan ko ba, pero maski pagkain parang napakatagal gawin. Parang dapat 5 minutes lang busog ka na kasi madami ka pang gagawin. Namimiss ko na rin uminom ng Smart C. Yung lemon. Pati gatas. Pati kumain kasabay mga magulang ko. Pati kumain sa KFC. Pati kumain ng pesto na pasta. Namimiss ko na rin mag-internet. Namimiss ko na rin gumala. Namimiss ko na rin mga kaibigan ko. Namimiss ko na ang mga tao. Namimiss na kita.

Buti na lang merong pinahiram sakin yung kaibigan ko na CD. Basta mga CD karton lang ang lagayan. Kontento ako sa mga kanta. Pero namimiss ko rin pakinggan ang mga yun. Parang makikinig ako tapos ipipikit ang mga mata, at hindi namamalayan na nakakatulog na. Kaya ayun, namimiss ko pa rin pala.

Naalala ko yung pakiramdam na naiwan ko yung USB ko sa Computer Shop na walang aircon. Yung nagbabantay mukhang kinalimutan na ang pagligo at pagsisipilyo kaya siguro nalimutan niya rin ibalik yung USB ko. Hindi niya pinaalala kaya nakalimutan ko na rin. Ang pangit ng feeling, parang iiyak ako kasi akala ko mawawala na ang past life ko. Andun lahat ng litrato, sikreto, pag-uusap, recordings ko, videos, lahat.

Naalala ko rin yung kaibigan ko, nag-aaral kami ng Brachial Plexus. Tinuturuan niya ako. Tinuturo at kinakalkal ang mga ugat at muscles ng matabang patay sa gilid ng room. Huli na ang lahat ng malaman niyang butas ang gloves niya. Kaya mahirap talaga kapag nabubutasan eh, nadadale tuloy.

Basta. Busy. Busy. Busy. Busy sa lahat. Mabuti ito, limot lahat.

Wednesday, August 10, 2011

Oh! Oh! Oh! To Touch And Feel Virgin Girls' Vagina. Ah! Heaven!


Yan ang pinagkakaabalahan ko ngayon. 
O anong iniisip mo? Ikaw ha. Mnemonics yan para sa 12 cranial nerves ng tao. In order: Olfactory, Optic, Occulomotor, Trochlea, Trigeminal, Abducens, Facial, Vestibulocochlear, Glossopharyngeal, Vagus, Accessory at Hypoglossal.
Bukod dun meron din akong
Scared Lovers Try Positions That They Cannot Handle.
Ayan naman yung walong buto sa wrist ng tao. Scaphoid, Lunate, Triquetrum, Pisiform, Trapezium, Trapezoid, Capitate at Hamate.
Minsan kailangan mo ng mga ganito para matandaan mo talaga kung anong inaaral mo eh. Para naman mailagay sa long term memory mo. Kanya-kanyang diskarte na lang. goodluck. :))

Sunday, August 7, 2011

Minsan kailangan mong iiyak para mailabas lahat.

Ang sarap ng pakiramdam kapag nailalabas mo ang mga bagay na sa tingin mo ay mabigat sa loob mo. Lalong lalo na kapag alam mong may makikinig sayo. Ang tagal ko nang hindi nagawa ito, kasing sarap ng pag-release sa loob ng banyo.

Saturday, August 6, 2011

Eh Kung Pakamatay na Kaya Ako?

Hindi ko alam kung bakit ako naapektuhan. Sa mga nakikita ko, sa mga nababasa ko, sa lahat ng naririnig kong tumatakbo sa utak ko. Basta. Napakalabo, napaka-gulo. Sabi ko sa sarili ko ayos lang. Ayos lang na ganito lang ako. Ganito lang kami. Kahit hindi seryoso wala akong pakialam kasi hindi pa naman talaga ako seryoso. Alam kong yun lang ang habol niya. At alam kong yun rin lang ang habol ko.

Pero bakit ba nakakaapekto? Pwede naman sabihin na tumigil na lang. Itigil na lang ang lahat ng ito. Hindi yung nagpapalipas oras sa mga ganitong bagay habang inaantay ang totoo. Gusto kong magalit sa sarili ko kung bakit hinayaan kong maging ganito ang buhay ko. Gusto ko ng itigil lahat ng ito dahil alam kong isang malaking kagaguhan na naman ito. Walang kwenta at walang patutunguhan.

Tama na. Ayoko na. Ayoko na ng ganitong buhay. Ayoko ng ganitong pagkatao. Gusto kong ibalik ang pagkainosente. Yung tunay na masasabing "echoserang bata".

Buni, Hadhad, Alipunga, (Part 2)

Sabi ng barkada kong lalaki, proven ang fact na “Mas malilibog ang mga babae kesa sa mga lalaki”. Halo-halong reaksyon ang nagsilabasan. May ibang hindi makapaniwala. Yung iba naman sobrang affected. Yung iba deadma lang.

Siguro kung meron akong mensahe para sa lalaki, meron din para sa babae.
Kung ikaw ang merong Fungal infection, lagyan mo na lang ng Canesten. Effective ata iyon sabi nung endorser nun. Pwedeng mag-isip ng mabuti? Kasi kung tutuusin luging-lugi ka kapag nagkataon. Lugi ka kapag pumayag ka sa PRE-MARITAL SEX.

Unang-una. Tandaan mo, ang babae nalalaman kapag birhen o hindi. Pero ang lalaki, hindi mo ito makikitaan sa kanya pisiolohikal na istraktura.

Pangalawa. Sinong mabubuntis? Sa buong buhay mo, sa lahat ng kakilala mo, sino ang lalaking nabuntis? Wala naman hindi ba? Nakabuntis madami.

Pangatlo. Kahit ibigay mo yan, wala pa rin kasiguraduhan na hindi ka niya iiwan.
Yung sinasabi ng karamihan na “madadala ka sa emosyon at yung tipong sobrang bilis ng panyayari hindi mo mamamalayan”. Wag kang maniwala sa ganun. Babae ka. Nasa sa iyo yan. Hihingi ako ng tawad sa gagamitin kong salita.. “Pero hindi naman niya ito ipapasok kung hindi ka pumayag.”  Dahil kapag nanyari yun at hindi mo pinahintulutan, pwede mo siyang kasuhan ng rape.
Sana i-reserba mo na lang yan sa taong karapat-dapat sayo. Yung taong pakakasalan ka at hindi ka iiwan pang-habang buhay kahit anong manyari. Kahit sabihin natin na walang salitang forever at lahat ng bagay ay may katapusan. Kahit papaano kapag ganun ang sitwasyon, may karapatan ka sa kanya at mayroon din naman siyang karapatan sa iyo dahil mag-asawa kayo. Pero kung hindi? Mag-isip ka muna ng maiigi.
Para sa lahat ng kabataan..

Hindi naman lahat ng bagay kailangan nang gawin. Hindi rin naman lahat ng panyayari eh kailangan nang maranasan agad-agad. Ilagay sa isip na dadating yung tamang oras para sa mga bagay na ganito.
Oo nga, at may kasabihan na “Actions speak louder than words.” Pero sa ganitong pagkakataon, sige na.. Mag-words ka na lang, saka na muna yung actions.

Buni, Hadhad, Alipunga, (Part 1)

Kadalasan kasi, may pagkatanga talaga ang mga kababaihan. Siguro matatawag na mas lamang lang ang isa sa relasyon. Tangang babae, tusong lalaki. Pero siguro nga, sadyang umibig lang ng tunay.
Naiinis kasi ako sa mga lalaking humihingi ng isang malaking pabor. At yung tipong malaking pabor na iyon ay SEX. Oo. Hindi na kailangan ng censorship dito dahil hindi naman ito palabas sa telebisyon na kailangan ng MTRCB. Ito ay totoong buhay.

Pinaka nakakairitang mga salita na maririnig o mababasa ko kahit saan..

”Kung mahal mo talaga ako, gagawin mo to.”

Ito lang naman ang gusto ko sabihin sa mga ganitong lalaki..

Kung talagang mahal mo siya matututunan mong respetuhin kung ano ang magiging desisyon niya. Hindi mo ipipilit ang isang bagay na hindi niya kayang gawin. Tatanggapin mo pa rin siya kahit hindi niya magamot ang kakatihan mo sa katawan. At lalong lalo na hindi ka maghahanap ng ibang substitute na pwedeng ipangkamot sa nararamdaman mo. Mag-antay ka. Oo kahit matagal, mag-antay ka. Ganun talaga, malay mo sa pag-aantay mo hindi mo mamalayan na wala na pala yung kakatihan mo. (Kahit imposibleng manyari yun.)
Marami kasing kabataan ngayon na napagkakamalang pag-ibig ang tawag ng laman. Magkaiba iyon. Dahil ang tunay na pag-ibig hindi nagmamadali, kundi naghihintay.
Parang ang sarap bumalik sa pagkabata.
  • Yung tipong ang kinaiinggitan mo lang ay yung laruan ng kalaro mo. 
  • Yung tipong kapag nakapanuod ka ng cartoons, limot mo na lahat.
  • Yung tipong pinoproblema mo lang ay kung sino yung taya sa laro na langit lupa.
  • Yung tipong ang makakasakit lang sayo ay yung sugat sa tuhod at palo ng nanay mo.

Ang Maligalig Kong Paa

Hindi ko alam kung anong klaseng paa ang meron ako. Sobrang fail ng mga sapatos kong pang-iskwela ngayong taon na ito. Ito ang mga nanyari sa pagkasunod-sunod.
  • Namaltos yung paa ko sa gilid. Sa may bandang hinliliit. Ayoko na gamitin. Isang beses lang.
  • Malambot siya, masarap gamitin. Kaso pag umulan nababasa pati loob. Tela lang naman kasi siya. Pero pwede ko naman siya gamitin kapag maaraw, yun nga lang.. Dapat sigurado ako na hindi uulan.
  • Bumili ako ng sapatos, size 36. Sabi kasi nila, luluwag pa daw. Ilang beses ko na ginamit pero hindi pa rin lumuluwag. Masikip.
  • Nandekwat ako ng sapatos ng nanay ko, may chichiling-chichilap. Maarte, pambabae at sobrang makislap. Sa katunayan, sa Divisoria lang yun. Medyo matibay naman nung una, pwede sa ulan kaso bigla na lang ngumingiti. Bumubuka sa may hinlalaki. 
  • Binilhan ako ng nanay ko, matibay. Pwede sa pang-ulan. Maganda naman tignan, parang pang-highschool. Sinubukan kong gamitin, sa sobrang tibay.. Paa ko yung nasira. Paltos na naman. Sa may likod naman ngayon. Ayoko na ulit gamitin kahit isang beses ko pa lang naisuot.
  • Binilhan ulit ako ngayon ng nanay ko. Maarte ulit. Pambabae. Sale lang kaya mura. Matibay na rin kasi branded pero ewan ko bakit nagbibitak-bitak na yung leather niya.
Alam ng mga kaklase ko ang mga istorya ng bawat sapatos ko, kaya kanina napag-usapan na naman namin ang mga ito.
Kaklase: Grabe, sira na naman yang sapatos mo?
Ako: Oo nga eh. Nakakainis. Pero ayos lang, mura lang kasi.
Kaklase: Dapat kasi bumibili ka yung mahal. 
Ako: Katulad ng iyo? Ang mahal-mahal. 1.2k
Kaklase: Mura na kaya yun, ano ka ba.
Ako: E para sa akin mahal na yun. Para sa akin nga 500 mahal na yun eh.
Kaklase: Eh kasi kapag mura medyo mabilis masira.
Ako: Eh hindi kaya. Minsan nagtatagal rin. Pero ewan ko ba bakit pag sa akin ang bilis.
Kaklase: Depende kasi yan sa pag-aalaga. 

Napaisip tuloy ako sa mga sinabi niya. Parang linya ng PLDT na biglang komonek sa larangan ng relasyon ng tao.  Parang ganito..

Hindi ibig sabihin na porket mabilis nabuo ang relasyon ng dalawang tao, mabilis rin itong masisira. Nasa tao lang yan kung paano ito pangangalagaan para hindi agad mawala ng basta-basta.

“Alam mo, wag mo kasing problemahin yung hindi mo pa problema. Kaya ka nababaliw eh.”

Expect the unexpected. Yun ang laging sinasabi ng mga taong ayaw ma-disappoint sa buhay. Kaya naman lahat na ng pwedeng manyari iniisip. Pero minsan kasi, somusobra na yung pag-iisip ng mga negatibong bagay. Nasasapawan na yung sa positibong aspeto.

Hindi naman pwedeng lagi na lang negavibes. Marami kasi itong naidudulot na masama. Kapag ganito kasi, kadalasan nagiging malungkot ang pakiramdam ng tao. Bumababa ang tiwala at bilib sa sarili. Nagkakaroon ng insecurities hanggang sa umabot sa puntong pagseself-pity. At kapag nanyari yun, nagiging bulag na siya sa mga taong tunay na nagmamalasakit at nagmamahal sa kanya. Kasi nga, pakiramdam nya wala siyang kwenta.

Dapat matuto rin tayong mag-isip ng mga magagandang bagay. Subukan din nating magkaroon ng pag-asa sa lahat ng aspeto ng buhay. Dapat marunong rin tayong pasayahin ang sarili natin sa mga simpleng bagay lang. Mag-relax, mag-enjoy, at magpakasaya ng walang inaaalala.
Maikli lang ang buhay, sulitin natin. 
Wala kang magawa. Masarap ang tulog mo nang magising ka sa di malaman na kadahilanan. Ang sarap na sana kung nagtuloy-tuloy. Kaso naputol eh. Ang hirap na makabalik sa pagtulog.

Kasabay ng paggising ng diwa mo sa gabi, bumabalik ang nakaraan. Naalala mo ang mga panyayari sa buhay mo na minsan kinailangan mo nang kalimutan. Hindi naman kasi ganun kadali kalimutan ang lahat. Kahit anong pilit mong pagbura ng mga ito sa bawat sulok ng utak mo, andyan pa rin yan. Kahit bullshit pa yan, nakatatak pa rin yan.

At yun ang masaklap dun, kung ano yung masakit, yun pa yung hindi mabura-bura agad.
Masasabi mo lang na nakalimot ka na talaga kapag  wala ka nang pakiramdam. Hindi naman sa walang pakialam, pero yun yung puntong hindi ka na nasasaktan. Kumbaga kapag nabalikan mo ang isang alaala, tatawanan mo na lang at iisipin na isang karanasan lang ito sa nakalipas.
Kailangan ba talagang sundin ang mga patakaran sa pag-ibig? Pero ang totoong tanong, meron nga ba talagang rules ang pag-ibig?

Kung tutuusin, wala naman talaga. Basta tapat at totoo, okay na yun. Para sa akin, tao lang mismo ang gumagawa ng mga ganun dahil sa paghubog sa kanila ng iba’t ibang bagay tulad ng kultura o mga ibang taong nakamasid sa kanila. Ang pag-ibig walang klasipikasyon ng true or false. Tao lang ang humuhusga dito. 

REBELDE

Dati lagi akong nagtataka kung bakit may mga batang nagtatago ng kung sino sila sa sarili nilang pamilya. Parang ang labo kasi hindi ba? Kaya nga “Pamilya” kasi sila yung palaging andyan para sayo. Sila yung mga taong maasahan mong magiging totoo sayo.

Siguro masyado lang kumitid ang utak ko na ang pamilya ganito ganyan. Pero hindi naman pala kasi applicable yun sa lahat. Depende pa rin sa kung paano tinanim yung relasyon ng bawat isa. Kaya nga siguro may mga magulang na kayang abusuhin yung mga anak. Meron din naman mga anak na walang pakialam sa mga matatandang magulang.

Hindi pala lahat ng kapamilya mo willing tanggapin kung sino ka. Minsan kailangan mong magbago para sa kanila. Oo, siguro para sa ikabubuti mo rin. Pero minsan dahil “wala lang”, gusto lang nila na ganito ka.
Tulad na lang ng mga batang hindi makapili ng gusto nilang tahakin na kurso sa kolehiyo. Gusto nila ganito ganyan, eh si Mommy at Daddy gusto ganun. Kaya napunta sa kursong hindi naman talaga niya gusto o hilig. O kaya naman ay yung mga batang hindi nakakapamili ng taong mamahalin dahil magulang nila ang namimili para sa mapapangasawa nila.

Minsan ang sarap sabihan ng mga nakakatanda sa pamilya na sana makinig naman sana sila. Hindi naman kasi lahat ng sinasabi ng matatanda ay umaayon sa tama. At para sa akin kasi, hindi naman porket nag-invest sila sayo ng pera(pagpapa-aral), eh pag-aari ka na nila. Kumbaga para kang isang robot o kaya naman ay manika na may nagkokontrol sa mga desisyon mo at sa mga galaw na pwede mong gawin. Walang kalayaan. Walang sariling pananaw. Walang sariling opinyon.

Kung ganun rin lang, sana ikinulong ka na lang sa kahon.

"Huwag Mo Akong Husgahan, Hindi Mo Ako Kilala"

Palagi kong naririnig o nababasa to kung saan-saan. Totoo naman talaga, masama manghusga ng tao lalo na kapag hindi mo pa lubusan na kilala. Posible kasing hindi ka niya maintindihan dahil magkaiba kayo ng posisyon. Posible na nasasabi niya yung mga ganung bagay kasi wala siya sa katayuan mo.
Pero minsan parang mas mabait pa yung mga hindi mo masyadong kilala kesa dun sa alam mo na kung ano talaga yung ugali. Kaya nga masaya mag-college o mag-highschool, o lumipat ng panibagong opisina, o kung ano mang bago. Wala kang kilala. Bagong reputasyon. Malinis ang lahat. Pwede kang mag-bagong buhay.

Ewan ko lang, naisip ko lang naman. 

Ang hirap kasi sa mga taong matagal na nating kakilala o matagal na nating kasama, minsan sila na mismo yung nagdidikta kung sino ka. Kung sino yung mga kaibigan mo. O kaya naman ay kung ano ang mga dapat mong gawin kahit hindi mo naman talaga gusto. “Kinasanayan” kumbaga.
Minsan hindi mo rin matanto kung ano ba talaga ang pakay nila. Kung totoo ba na may malasakit sila sayo o sadyang gusto ka lang nilang pagtsismisan at pakialaman.

Masakit

Kanina habang kumakain ng hapunan, nagka-kwentuhan kami ng ate ko. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit napunta sa ganun ang usapan pero ito ang sabi niya.

“Alam mo napapansin ko sayo, kapag may gusto kang lalaki tapos biglang may umekstra na babae, parang ayaw mo na agad.”

Syempre, hindi naman ganun ang pananaw ko. Todo depensa ako.

“Hindi ah. Di naman ako ganun eh.”

Kapag kinakalaban ang daloy ng alon, mas mahirap. Mas lalong lumalakas.

“Oo kaya. Ganun ka lagi. Ganun ka kay ganito.. Ganun ka kay ganyan.. Eh normal lang naman kasi yun.”

“Alam ko..”

Tapos bigla rin akong nalungkot sa mga sumunod na sinabi ko..

“Ewan ko, feeling ko hindi naman ako ganun eh. Pero kung ganun nga ako..  Siguro hindi kasi ako confident na ako yung pipiliin palagi.” Sabay tawa tas sabi ng “Aray ang sakit.”

Pero hindi nga.. Kung ganun man ako, sana dumating din yung panahon na ako yung pipiliin. O mas maganda kung hindi ako kasama sa options, kasi ako lang talaga at wala ng iba pa.

Madalas sa mga Taong INLABABO

Wala lang yung title. Isang ka-echosan kumbaga.
AMBIVALENCE.

Ayon sa Wikipedia, “Ambivalence is a state of having simultaneous, conflicting feelings toward a person or thing.[1] Stated another way, ambivalence is the experience of having thoughts and/or emotions of both positive and negative valence toward someone or something.”

Sa madaling salita, ito ay isang kondisyon ng tao kung saan makakaramdam siya ng dalawang magkasalungat na emosyon patungkol sa isang bagay o isang tao.

Kadalasan makikita mo ito sa mga INLABABO. Ito yung mga nasubsub at nahulog sa isang tao. Charot. Ang dami kong sinabi eh “Inlove” lang naman ang gusto kong sabihin.

Hindi ko alam kung bakit pero siguro normal lang na magkaroon ng ganitong feeling. Yung mga tipong 

“Galit ako sa kanya pero mahal ko siya.” 

Ang labo  (mukhang kakailanganin mo magsuot ng salamin) pero siguro ganun na nga.
Ilan sa halimbawa nito ay..
  • Naiinis ka sa crush mo kasi hindi nagre-reply sa kunwa-kunwariang GM mo pero send ka pa rin ng send ng mga love quotes. 

  • Galit ka sa ka-relasyon mo dahil hindi ka man lang binati ng Happy Motmot pero binilhan mo pa rin ng regalo.

  • Nag-gagalaiti ka dahil inisnab ka, pero deep inside isang ngiti lang niya maski hindi naman sa iyo, tunaw ka na.
At higit sa lahat, parang ganito lang yan eh..

Galit na galit ka dahil pakiramdam mo ang taba-taba mo, pero kain ka pa rin ng kain.

Minsan masaya mag-panggap na tanga ka.

Ang sarap kasi pakinggan yung mga kasinungalingan kapag alam mo kung ano yung katotohanan.
Minsan may mga pagkakataon na dumadating sa buhay natin yung mga taong hindi natin inaasahan na makikilala natin. Yung tipong wala kang koneksyon, pero naging parte pa rin siya ng buhay mo. Masaya man o malungkot, kasama pa rin siya sa libro na isinusulat mo. Librong ikaw ang may akda. Hindi mo na kailangan ng editor o publisher, automatic na yun. Dokumentado lahat.

Yung mga ganitong tao, hindi mo man gustuhin, pero hindi ka pa rin sigurado kung hanggang anong chapter sila aabot. Kung hanggang dulo, o kung hanggang anong page. Hindi rin kasi maiiwasan na dumating sa punto na kailangan mo nang magpaalam sa taong iyon kapag sobrang daming masasakit na panyayari ang nagaganap.

Pero ganun talaga, yan ang kwento ng buhay eh. May dumadating, may nawawala. Isa lang ang nasisigurado ko. Mas magiging okay ang lahat kapag itinago mo ang mga ganitong kakaibang istorya ng buhay mo; Sa puso man o sa isipan.

Kaya Hindi Makuha Ang Isip ng Babae

Normal lang siguro na magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng isang lalaki at isang babae. Kadalasan kasi HINDI daw maintindihan ng mga lalaki ang gusto ng mga babae. Kaya siguro madalas rin akong makarinig ng mga ganito.

“Hindi ko alam kung anong nasa isip mo.”
“Hindi ko mabasa kung ano yang takbo ng utak mo.”

at marami pang iba na parang ganyan din naman. Ewan ko lang kung tama ako, pero palagay ko ganito kasi talaga ang nanyayari.

Minsan kasi may mga sitwasyon na ang mga babae ay gumagamit ng REVERSE PSYCHOLOGY. Ito yung binabaliktad mo yung kung ano ang talagang gusto mo para makuha mo ang nais mong resulta.

Halimbawa..
Kapag merong isang party na invited si Boy at hindi si Girl, malamang magpapaalam si Boy hindi ba?
Boy: Pwede ba akong pumunta sa debut ni (insert another girl’s name) bukas?
Girl: Ah.. Oo, ikaw bahala. (Pero deep inside ayaw niya.)

Edi syempre pupunta si Boy hindi ba? Pero magugulat na lang si Boy kasi parang nagtatampo na si Girl. Ang labo hindi ba? Masyado kasing literal ang pag-pick up ng isang lalaki sa mga sinasabi ng babae.

Isa pa, yung katagang “Ikaw ang Bahala”, parang isang pagsubok yan. Alam talaga ng babae kung ano ang gusto niyang gawin mo pero hindi niya ito sasabihin dahil gusto niyang ikaw mismo ang makaisip nun kasi “dapat alam mo na yan” daw. Kaya nga laging sinasabi ng mga lalaki ang mga katagang“Hindi ako manghuhula”.

Hindi ko rin alam kung ano ang nasa likod ng ganitong kaisipan ng mga kababaihan. Magulo, pero intindihin niyo na lang. Mahal niyo naman kami eh. :D

Galit-galitan Effect

Minsan mahilig tayo sa ganito.

Aminin mo sa sarili mo na masarap suyuin ng ibang tao. Ang sarap ng pakiramdam kapag may taong maglalambing sa iyo at magpapakita na kaya niyang gawin ang lahat para sa iyo. Masaya eh. Pakiramdam mo espesyal ka. Pakiramdam mo napaka-importante mo.

Kaya ito, unting mali lang ng kaibigan o ng kasintahan o kung sino man, ikagagalit mo kunwari. Kahit mababaw lang. Hanap butas. May nasabi lang, galit na kunwari. May nagawa lang, galit na kunwari. Naging busy lang saglit, galit na kunwari. May nalalaman pang Cold o Silent treatment cheverloo

Pero ano nga ba ang totoo? Galit ka nga ba? O gusto mo lang maramdaman na importante ka sa taong iyon?
Normal lang yun. Ganun naman talaga eh. Ang maramdaman na maynagmamahal sa iyo ay isa sa mga posibleng dahilan kung bakit gusto mo pang mabuhay dito sa mundo. Isang pakiramdam na walang katapusan na hinahanap-hanap ng tao.

Ang mahirap lang eh kapag nag “galit-galitan effect” ka, tapos sinabayan pa niya, posibleng mauwi sa totoong away. Hanggang sa maiinis na kayo sa isa’t isa kasi walang nanunuyo. Paano ba naman kasi, pareho nga kayong galit-galitan.

Minsan talaga dapat alamin mo kung ano yung biro sa hindi, para naman hindi magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.
Dapat hindi ginagawang basehan ang relasyon sa text, chat, o internet sa magiging relasyon sa totoong buhay. Marami kasi sa atin, malabo sa ganito. Sobrang malapit ka sa taong iyon kapag kausap mo via net/text pero kapag sa personal, hindi mo naman nakakausap. Hindi mo nga matignan o makasama dahil hindi naman kayo “close” sa totoong mundo. Dun lang sa “sarili” niyong mundo.

First

Isa sa pinakamahirap na sitwasyon kapag sasabihin mo sa taong mahalaga sa iyo na gusto mo siya. Ang daming “factors to consider” di ba? Parang lahat na lang iisipin mo, kung anong magiging reaksyon niya, kung tatanggapin ka ba niya, kung gusto ka rin ba niya, kung magagalit ba siya sayo, kung lalalayo ba siya sayo o magbabago ang pagtrato niya sa iyo. Madami. Hindi lang yan, madami pang iba.

Pero paano kung naghihintayan lang kayo? Paano kung inaantay ka niyang mauna na umamin sa mga nararamdaman mo? At paano kung naghihintay ka rin lang na umamin siya sayo? Mukhang tanga diba?
Kasi maraming oras ang nasasayang. Lagi natin sinasabi na ang oras ay isa sa pinaka-importanteng bagay sa mundo. Kapag nagamit mo na, hindi mo na mababalik. Hindi ka makakabili sa tindahan o makakahanap sa may basurahan. Kaya nga lagi rin sinasabi na matuto ng “time management” diba?

Pero hanggang kailan? Hanggang kailan ka maghihintay? Gagagaya ka ba kay Juan Tamad sa kanyang pilosopiya sa buhay? Eh kailan ka gagalaw.. kapag huli na ang lahat? 

Wag mo na antayin na manyari yun. Gumawa ka na ng paraan habang maaga pa. Hindi ka uusad kung hindi ka maglalakad. Itapon na yang kaba. Isuka na ang hiya. At ihagis palayo ang katorpehan. Alam ko naman na hindi mo rin kaya na may kasama siyang iba.

Tandaan: Ang katinuan nawawala sa tao kapag tinamaan ng pag-ibig.

Kaya hindi mo rin masasabi na “Nag-iisip rin naman ako ano.”

Bakit Ang Hirap Umamin?

Umamin ng kasalanan. Umamin ng nararamdaman. Umamin ng sekreto.

Lahat ng pag-amin ang hirap gawin kahit na kadalasang sinasabi na “honesty is the best policy”. Siguro kasi ang pinaka puno’t dulo nito ay dahil takot tayong mahusgahan ng ibang tao.
Lalo na kapag aamin ka sa isang taong gusto mo, uunahin mo kasing isipin kung ano yung iisipin niya tungkol sa iyo.

Anong Lasa Ang Sabaw Mo?

Hindi talaga maiiwasan ang pagkasabaw ng utak ng mga estudyanteng may pasok ng sampung oras mahigit.

Ganito ang nanyayari kapag 7am-7pm kami.
Sa isang klase, PT2..

Sabaw moment 1: may mga damit na kailangan isuot para makapag-hubad. (Parang ang gulo.) O sige, ganito na lang. Tuwing papasok kami sa klaseng ito, meron akong 3 layers ng damit. 1st Layer: Panty at Bra, 2nd Layer: One-piece bathing suit at cycling shorts, 3rd layer: T-shirt at Jogging Pants. May pagkakataon kasi na kailangan namin tanggalin ang t-shirt o jogging pants para mai-expose ang katawan para sa demo.

Kaklase 1: Uy, may dala akong limegreen na bra.
Ako: O talaga? Wow. Sa akin kasi puti lang bra ko eh.
Kaklaseng bingi: Ako meron akong dalang colored pencils.

Guide Question: Paano maisusuot ang colored pencils bilang bra? Ibahagi sa klase kung ano ang pakiramdam kapag natutusok ka ng tip of the colored pencil kapag suot-suot ito.

Sabaw moment 2: Merong mga experiments na gagawin, kailangan tanggalin ang jogging pants. Ayoko mag-volunteer dahil hindi naman kagandahan ang katawan ko. 

Ako: Uy ikaw na. Sexy ka naman eh.
Kaklase 1: Oo nga ikaw, o kaya sila na lang o.
Kaklase 2: Ayoko nga, kayo na lang. Ayoko nga na ako lang mag-isa babae maghuhubad.
Kaklase1: Sige na, okay lang yan. Kayo na. Sporty naman kayo. Pare-pareho naman kayong ball players eh.
Ako: (May ibang naisip, tumawa na lang sa sarili.)

Guide Question: Ano ang “balls” na nilalaro nila? Masaya bang laruin ang mga ito? Ihalintulad ito sa pagkain ng saging.

Mga tao talaga kahit hindi artista pa-showbiz sumagot.

Sa umpisa.. “Wala, friends lang kami nun.”
Sa dulo.. “Wala, friends na lang kami nun.”

Anong mas masarap pakuluan? Ang Lagundi? O ang Malandi?

Hindi ko maintindihan yung mga taong tinatawag na nasa “loob ang kulo”. Yung totoo, para sa akin may pagka-ipokrita/ipokrito ang mga taong ganito. Kunwari ang bait-bait na hindi makabasag pinggan. Yung mga tipong andaming sinasabing masama o kaya naman andaming napupunang kaartehan tapos yun naman pala, sila mismo gagawa nun. Ayoko nung andaming tanong, andaming nanyayaring paglalagay ng sagot sa bibig mo pero sa totoo lang, hindi naman talaga nila alam kung ano ang totoong nanyari.

Wag makitid ang utak. Mahirap na, lalong hindi ka makakaintindi.

Lahat naman ng tao marunong magmahal. Ang dapat mong itanong ay kung marunong magseryoso.

Pero ang gulo rin, dapat kasi given na yun; na kapag nagmahal ka, seryoso.

Hindi Lang Ako ag Feeling Model

Pa-byahe ako papuntang Recto Station galing sa Espanya. Init, usok, araw, alikabok, trapik, halo-halo. Napatingin ako sa labas ng sinasakyan kong jeep. Sight-seeing kuno. Marami akong review centers na nakita para sa mga nagbabalak mag-boards.

Pero bakit ganun? Yung mga billboard na nakikita ko, akala mo ay isang ad para sa Natasha o Avon. O kahit anong hindi pa gaanong kilala na nagbebenta ng damit. Yung mga taong nagpo-posing ay parang mga model sa magazine.

Naaaliw lang ako, hindi ko makita yung koneksyon eh. Kumbaga, hindi mo naman makikita kung gaano katalino ang isang tao sa kanyang pisikal na kaanyuan. Hindi mo masasabi kung sino ang papasa sa sino ang babagsak sa kung anong isinusuot niya. Pero sa bagay, kanya-kanyang gimik naman yan. Hindi lang pala ako ang feeling model, pati rin sila.

Salita Vs. Gawa

Nagkalat ang mga jokes tungkol sa girl/boy sa mga text messages. Merong isa na tumatak sa isip ko.. Parang ganito pero hindi ito yung eksakto..

Boy: Kukunin ko ang buwan at araw para sayo, tatawirin ko ang bundok makapunta lang sa inyo, lahat kaya ko gawin basta para sayo.

Girl: O talaga?

Boy: Oo naman, ikaw pa eh mahal na mahal kita.

Girl: Hahaha. Ang drama mo naman. Nga pala, mamaya pala punta ka dito sa bahay. Pinapapunta ka ni Mama.

Boy: Uhmm. Pwedeng sa ibang araw na lang? Umuulan kasi eh.

Pinagtatawanan natin yung lalaki. Nilalait-lait. Sinasabihan ng “Muntanga lang.” Oo, totoo naman talaga. Walang mali dun. Pero hindi rin natin naiisip na halos lahat naman ng tao ganito eh.

Wala yan sa kasarian, wala yan sa edad, wala yan sa kung mayaman o mahirap, sa may pinag-aralan o sa wala, mapabakla o mapatomboy. Minsan talaga magaling lang ang tao sa salita pero mahina sa gawa.

Ilang beses mo nang narinig ang sarili mo na nagsasabi ng “Mag-aaral na talaga ako. Gagalingan ko na talaga sa exams.” Pero ano nanyayari? Tapos na ang taon, ganun pa rin ang sinasabi mo.
Ilang beses mo nang sinabi sa karelasyon mo na “Hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita.” Pero ilang araw, linggo, buwan, o taon.. Biglang manlalamig ka, magsasawa tapos ano? Maghahanap ng iba.

Ilang beses mo nang sinabi na “Hindi na talaga ako iinom/magyoyosi”. Pero pagdating ng buwan sa ulap, hawak-hawak mo alak. Pagkatapos kumain, sigarilyo ang hawak.

Ilang taon mo nang naging New Year’s Resolution ang pagpapapayat. Lagi na lang nauuna sa listahan mo yun, walang sawa. Wagas eh. Pero hanggang ngayon wala pa rin nagbago sa timbang mo.

Dito pa nga lang sa internet, may ganito ng nanyayari. Ilang beses mong sinabi na magla-log out ka na bago ka maka-log out talaga? Sabi mo isang oras ka lang na magi-internet pero inabot ka na ng buong araw.

Aminin natin, mahirap naman talagang pangatawanan kung ano yung lumalabas sa bibig natin. Siguro nauunahan lang ito ng pagsasalita kesa sa pag-iisip. Kaya nga sabi nila, wag ka gagawa ng isang pangako kung alam mong masaya ka. At wag ka rin gagawa ng desisyon kapag galit ka. Kasi kapag sinabi mo, sinabi mo. May mga taong umaasa sa binitawan mong mga salita kaya dapat patunayan mo talaga.

Babaeng Aso

HINDI KO NILALAHAT, KARAMIHAN LANG.

“Bakit ang mga lalaki, hindi nakaka-detect ng BITCH?”

Isang tanong na paulit-ulit na naglalaro sa isip ko. Malamang karamihan ng babae hindi rin nila ito matanggal sa isip nila. Maliban na lang kung sila mismo ang Bitch na tinutukoy ko.
Ewan ko lang, pero pakiramdam ko napakahina ng radar ng mga lalaki sa mga ganitong babae. Alam naman nating lahat na “looks”ang unang tinitignan ng mga lalaki sa isang babae. Wag nang umapila dahil lahat naman ng tao ay yun ang unang tinitignan kaya nga dapat lagi kang presentable diba?

Pwet, check. Boobs, check. Flawless skin, check. Soft hair, check. Sexy body, check. Ayan ang iilang katangian na gustong-gusto ng mga lalaki sa isang babae. Pero wag ka, dahil ito rin ang kadalasang katangian ng ilang mga bitch sa mundo.

Sila yung mga tipong “Ang ganda niya, kaso ang pangit ng ugali” na mga babae. Pansin ko, puro babae lang ang nakakapagsabi ng ganun. Kasi deadma lang yun sa mga lalaki. Tapos “Insecure” ang bansag ng mga lalaking napapaikot ng bitch sa mga babaeng nakakapansin ng kapangitan ng ugali. Manhid ba sila? O sadyang malakas ang atraksyon sa mga ganito?

Hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang tunay na rason kung bakit ganito. Basta gusto ko lang sabihin na hindi sa pisikal na lebel makikita ang kabutihan ng isang tao. Hindi lahat ng maganda sa paningin, pati sa kalooban maganda rin.

Kapag Sinabi Kong Nagsisinungaling ako, Singungaling ako.

Sabi nga nila, sa isang maliit na bagay nagsisimula ang lahat.

Tulad na lang ng isang kindat ng lalaking pumoporma sa type niyang babae. Pagkaraan ng ilang buwan, sila na. Tulad ng paghithit ng sigarilyo sa banyo ng isang iskwelahang pang hayskul, na nauwi sa pagyoyosi tuwing pagkatapos kumain. Tulad ng pagtikim sa inumin ng kaibigan mong B.I., na nauwi sa gabi-gabing inuman. Tulad ng aksidenteng pag-click ng link sa internet, na nauwi sa araw-araw na pagbubukas ng isang pornsite. Tulad ng simpleng halik, na nauwi sa maselang pagbubuntis. Tulad ng pag-check ng e-mail, na nauwi sa limang oras na pagta-tumblr. Tulad ng pagkakaroon ng crush, na nauwi sa wagas na pagmamahal.

Ganun din ang pagsasabi ng hindi totoo, sa kung ano ang totoo. Sa mga maliliit na kasinungalingan lang nagsisimula ang lahat. Hindi mo namamalayan na nagiging malaki na ito. Yung tipong pwede ng bumutas sa tiwala ng isang tao. Patong-patong na at nakaka-praning. Hanggang sa hindi mo na matanggal sa isip mo kung ano yung mga susunod mong sasabihin. Dapat kabisado mo lahat, para lusot lang ng lusot.

At kapag kasing laki na ng Earth ang kasinungalingan na iyon, dito mo mararamdaman na parang wala ka ng kakampi. Yung tipong kahit anong isip mo sa mga bagay-bagay, kahit anong halungkat mo sa bawat sulok ng isip mo.. Puro “Nako, patay ako.” ang lalabas. 

Siguro kapag umabot ka sa puntong ganito, mas mabuti na rin na aminin mo na lang lahat. Alam mo naman kasi na ikaw ang mali. Siguro dala na rin ng maling desisyon, kalituhan, kagaguhan o sadyang katangahanlang pero hindi iyon rason para ipagpatuloy mo pa ang kamalian na nagawa mo. Mas maganda kung ihihinto mo na lang at itama ang mga ito kesa dagdagan mo pa. Habang tumatagal kasi, habang pinagtatakpan mo ang kasalanan mo, mas lalong guma-grabe. Imbis na lumiit, lalong lumalaki.

Hindi pa naman siguro huli ang lahat para sabihin kung ano ang totoo. Meron pa ring mga tao sa paligid mo na tatanggapin ka ulit, papatawarin at mamahalin ka parin tulad ng dati.

RF: Hindi lahat biro sa akin.

Marunong din ako mag-seryoso. Malay mo seryoso na ako hindi ko lang pinapahalata para hindi mapahiya. :”>
Alam natin na hindi maganda kapag pinapangunahan ang mga manyayari sa mga susunod na araw, buwan o taon. Pero mas maganda rin kapag naiisip mo ang mga ito kahit papaano.
Kaya nga lahat tayo nagsisikap na mag-aral at naghahangad na makapagtapos dahil alam natin na makakatulong ito para sa kinabukasan natin.

Mahal ng Trip

Alam naman nating lahat na mahirap makakuha ng pera. Hindi siya pinipitas sa mga puno, binubungkal o pinupulot. Kailangan paghirapan, kailangan magsipag. Paano ba yan? E magastos tayo.

Oo, mga kabataan ngayon, malakwatsa talaga. Kahit saan mall ka pumunta, ang daming bagong gimik. May Timezone, Sine, Lasertag, Bowling, Iceskating, Karaoke, Bar, Gig, Eat all you can, Ocean Park, Enchanted Kingdom, basta kung ano-ano pa. Madami dyan kung tutuusin. Talagang pambarkada.

Aminado ako, nae-excite ako sa mga ganito. Pag gusto ko gusto ko. Pag may pera, meron talaga. Pero alam ko na hindi ako mayaman at lalong hindi ako mag-aastang mayamanHindi ako yung tipong makikisabay sa mga taong hindi ko naman talaga kayang sabayan. Bakit ko ipipilit? Magmumukha lang akong tangang kawawa.

Ang punto ko lang..  Ayoko ng mahal ang trip.

Marami naman pwedeng gawin na enjoy kahit hindi masyadong mag-aksaya ng pera. Simple lang naman, para sa akin ayos na yung pupunta ka sa bahay ng barkada mo tapos tambay. Usap-usap. O kaya nuod ng DVD at kumain ng tsisirya. Maglaro ng truth or dare extreme version at magtatatawa hanggang sa matae ka. Ayos na sa akin yun ganun.

Pwede rin naman na mamasyal sa mga park o kaya maski sa UP. Libot. Lakad. Kwentuhan. Manuod ng live version ng mga “buhay ng tunay na tao” sa tabi-tabi. Uupo, magtatawanan. Tamang trip. Kain ng isaw o kaya kwek-kwek sa kanto. Inom ng softdrinks na nakasupot. Ayos na sakin. Swak na.

Ang sa akin lang naman, makasama ko yung mga taong gusto kong makasama. Di na importante magpa-sosyal o magpa-mahal ng trip. Ayos na ako, basta kasama ko lang yung mga taong nagpapasaya sa akin.

LDR

Tamang tao. Tamang edad. Tamang panahon. Tamang pagkakataon. Yun nga lang.. Maling lugar. Bakit nga ba may “Wrong Distance Relationship”?

Gusto mo na nga yung tao. Hindi lang gusto, mahal mo pa. Tapos gusto ka rin niya. Tipong hindi na siya magiging masaya kung hindi ka niya makakausap. Sakto rin naman yung edad mo kasi meron ka ng sariling isip at pananaw. Good timing din kasi pareho niyong gusto ang isa’t isa. Yun nga lang, magkalayo kayo.

Kumbaga sa Pilipinas, nasa Batanes ka. Tapos siya nasa Jolo. Eh buti sana kung ganoon, eh pano kung nasa magkabilang sulok kayo ng mundo? Advisable ba ito?

Para sa akin kasi mahirap pumasok sa ganitong relasyon. Lalo na kapag sa internet mo lang siya nakilala at hindi pa kayo nagkikita. Hindi mo naman kasi lubusan na makikilala ang isang tao maliban na lang kung makakasama mo siya. Depende rin siguro kung anong level ng “ka-seryosohan” ang gusto mo. Kasi hindi naman pwede na buong buhay mo, aasa ka lang sa internet. Meron kang buhay sa labas ng mundong ito.
Basta pag-isipan na lang ng mabuti. Kasi kahit lahat ng nabanggit sa umpisa ay tama pero kung ang isa ay mali, mali na rin lahat eh.

Sa susunod, kapag alam mong mapapalapit ka sa isang tao, iwasan mong gawin siyang sentro ng buhay mo. Mahihirapan ka kasing buuin ang mundo mo, oras na mawala siya sa tabi mo.


On Courtship

Ang init buong maghapon. Walang magawa. Unlimited Text. Walang ka-text, mag-GM ng quote.
Ang mga lalaki, laging nagtatanong.. 
“May pag-asa ba ako kung liligawan kita?”
Bakit ganon lagi nilang sinasabi? Hindi ba nila pwedeng sabihin na..
“Liligawan kita, sagutin mo man ako o hindi. Papatunayan ko lang na mahal talaga kita. :D”

Hindi ko akalain na may iilang magre-react. Siguro bored rin lang sila.. Isa sa mga kaibigan ko nagtanong sa akin.

“Eh bakit may mga babaeng nagpapaligaw, pero hindi ka naman sasagutin?”

Ewan ko lang, magsasabi lang ako ng opinion ko ah. Para sa akin kasi, kapag nanliligaw ka hindi pa sureball yun. Kasi kaya ka nga nanliligaw para mahuli mo yung puso niya eh. Syempre nagpapaligaw siya para makilala ka niya. May chance kung may chance pero syempre may mga ibang bagay rin na iniisip. Paano kung through the process ng panliligaw mo, may na-realize siya tungkol sayo o tungkol sa sarili niya? 
Kasi ang panliligaw parang sugal eh. May swerte, meron din naman malas. Hindi sa lahat ng “May I Court You?” eh panalo, minsan talo rin. Eh ganun talaga ang buhay, wala tayong magagawa.

Pera! Pera!

Isang pag-uusap ng dating magkasintahan.

“Ganun ba? Basta magkikita at magkikita pa rin tayo hanggat may buhay. Kung ipapanganak uli ako, at magkikita pa tayo, gugustuhin mo pa ba uli ako?”
“Drama ka pa rin.”
“Sige na..”
“Kapag may pera ka na.”
“Kapag may isang milyon ako, pakakasal ka na sa akin?”
“Maliit yun. Dapat dolyar.. Kahit na nga..”
“Pera talaga. Pera-pera na lang lahat ngayon.”
“Depende sa kung paano mo ito ginagamit, saan mo gagamitin. Alam mo namang hindi ako mukhang pera, pero dapat may pera.”

Kung nabasa mo na ang libro ni Genevieve L. Asenjo na pinamagatang..    

”Lumbay ng Dila”

alam mong si Ishmael Onos at si Sadyah Zapanta Lopez ang nag-uusap.

Gusto ko lang i-share at sabihin ang pananaw ko sa pag-uusap ito. Sa panahon ngayon, ganito naman na talaga. PERA. Isang napaka makapangyarihan na bagay na posibleng bumuo o sumira ng buhay mo. 

Mataas ang tingin sa iyo kapag marami ka nito. Sa katunayan, pinapalabas pa nga sa telebisyon kung gaano kaluho ang mga taong meron nito. Kanina saMel and Joey, ang gara ng mga pinakita nila. Mga hotel na tipong isang tulugan mo lang, nagkakahalaga na ng mahigit isang daang libo. Mga bag na ang presyo ay pwede ng pandagdag bayad sa utang ng bansa. Mga sapatos na ang halaga ay pwede ng magpakain ng isang libong pamilya na mahihirap. Mga aso na sobrang inalaagaan, mas masarap pa ang mga ulam kesa sa ibang tao sa lansangan, kung iisipin mo.. sana naging aso ka na lang.

Kanina nga, habang nagse-sermon ang pari sa kanyang misa, pera na naman ang usapan. Totoo naman kasi na ang batayan ngayon ng pagiging maunlad ng isang tao ay ang kayamanan nito. Halos lahat rin ng krimen dito sa mundo, ang punot dulo ay pera. Kailangan mo kasi ito para mabuhay ka dito sa mundong ibabaw, pag meron ka nito.. May karapatan kang huminga at gumising sa bawat pagsinag ng araw, pero kung wala.. Edi wala ka ring karapatan..

Pero hindi dapat ganun ang maging pananaw natin, marami pa rin kasing bagay na hindi nabibili ng pera.