Kadalasan kasi, may pagkatanga talaga ang mga kababaihan. Siguro matatawag na mas lamang lang ang isa sa relasyon. Tangang babae, tusong lalaki. Pero siguro nga, sadyang umibig lang ng tunay.
Naiinis kasi ako sa mga lalaking humihingi ng isang malaking pabor. At yung tipong malaking pabor na iyon ay SEX. Oo. Hindi na kailangan ng censorship dito dahil hindi naman ito palabas sa telebisyon na kailangan ng MTRCB. Ito ay totoong buhay.
Pinaka nakakairitang mga salita na maririnig o mababasa ko kahit saan..
”Kung mahal mo talaga ako, gagawin mo to.”
Ito lang naman ang gusto ko sabihin sa mga ganitong lalaki..
Kung talagang mahal mo siya matututunan mong respetuhin kung ano ang magiging desisyon niya. Hindi mo ipipilit ang isang bagay na hindi niya kayang gawin. Tatanggapin mo pa rin siya kahit hindi niya magamot ang kakatihan mo sa katawan. At lalong lalo na hindi ka maghahanap ng ibang substitute na pwedeng ipangkamot sa nararamdaman mo. Mag-antay ka. Oo kahit matagal, mag-antay ka. Ganun talaga, malay mo sa pag-aantay mo hindi mo mamalayan na wala na pala yung kakatihan mo. (Kahit imposibleng manyari yun.)
—
Marami kasing kabataan ngayon na napagkakamalang pag-ibig ang tawag ng laman. Magkaiba iyon. Dahil ang tunay na pag-ibig hindi nagmamadali, kundi naghihintay.
No comments:
Post a Comment