Saturday, August 6, 2011

Bawal Mainlab sa Nagbabanda

Alam mo, meron palang iba‘t-ibang stages  kapag NA-INLOVE ka sa nag-babanda. Ito ay hango sa totoong buhay. Hindi ito fiction o kathang isip lamang. Totoo to BEYBI.

Stage 1. Kapag Tumibok ang Puso
 May mapapanuod ka sa TV na isang music video.  Makikita mo ang isang miyembro ng banda na talaga namang kakaiba sa paningin mo. Pagkatapos ng music video, isa ka na sa mga naakit at nabihag  nila. Kung gagawan ka ng cartoon version or anime version ng sarili mo, magkakaroon ng malalaking heart-heart ang mga mata mo. Unti-unting babagsak ang mga panga mo at mapapanganga ka na lang.. at syempre pa. Magkakaroon ng unting tulo laway. Kung gusto mo, lumulubong sipon.

Stage 2. Superstalker
 Bigla kang magiging isang stalker over the internet. Para kang tanga na pupunta sa iba’t-ibang Social networking sites at umaasang makikita mo ang “real” account niya. Dismayado ka kasi madaming posers at hindi mo alam kung sino ang ipa-follow o ia-add as a friend mo. Google-google. Naks! Daming nakitang links oh. Lahat tungkol sa kanya. Yung yahoo groups nila? Member ka na. Friendster group? Member na rin. Facebook group? Member! Facebook page? Fan na! Daming kausap na teentalker sa candymag.com na kapareho mo, adik na rin. Pagbukas mo ng mail.. BOOM.. Sangkatutak na fan mails! Lahat naman kayo, feeling niyo mababasa nila yun. **hahahaha..*

Tuwang-tuwa ka naman kasi nahanap mo yung account niya, tapos excited na yung mga kamay mo na pindutin ang “Add as a friend” button.  Kapag sobra-sobra ang tama sayo, mas malakas pa sa tama ng red horse o happy horse, mangingisay ang iyong buong katawan na para bang dinaanan ng kuryente. O kaya naman,  hindi ka makakahinga ng maayos na parang nagbubuhat ka ng isang sako ng semento. Talaga naman.. magme-message ka pa at mag-comment sa page niya kapag hindi ito naka-private profile.
Mag-aantay ng ilang araw… Aasa… Aasa…

Stage 3. Richie Rich
Panahon na para sa lagasan ng mga inipon mong baong pera. Pupunta ka sa lahat ng bilihan ng magazines. Anong gagawin mo dun? DUHLER. Malamang alam mo na siguro. Bibili ng mga songhits. Lahat ng merong  article tungkol sa kanila. Maski ka-miyembro niya yung talagang feature sa mag, bibilhin mo pa rin. Poster sa likod ng magazine? CHECK. Isang kanta galing sa kanila? CHECK. Picture nila kahit 1x1? CHECK.  Quotation galing sa kanila? CHECK.

Sa likod ng magazine, makikita mo dun yung mga “real stalkers” nila, kasi dun nakalagay yung mga pictures nila “with fans”. Maiinis ka, kasi hindi mo pa sila nakikita ng personal.

Tapos ka na sa National Bookstore, sa Odyssey naman ngayon. Hahanapin ang mga album nila. Titignan ang cover. Hihinga na malalim. Pipikit. Mangingisay ng unti.. pero minimal ang galaw kasi baka mahalata nung kahera at isipin na baka isa kang epileptic.
Aasa.. Aasa..

Stage 4. IYOTyub Mo
 Mag-iinternet ka ulit. Ngayon naman, pupunta ka na sa www.youtube .com para panuorin yung mga music  video na hindi mo pa napapanuod. Bukod dun, manunuod ka rin ng mga videos na galing sa ibang listers. Maiinis ka pa kapag malabo yung kuha, kasi hindi mo makita yung miyembro na inaabangan mo.  O kaya naman, maiinis ka rin kapag sa isang miyembro lang naka-focus yung camera at di doon sa miyembro na gusto mo. Ang kapal rin ng mukha mo no? Ikaw na nga lang yung nakikinuod, ikaw pa yung nagrereklamo. Ooooopps. Bago mag-out, pupunta ulit sa social networking sites, titignan kung “friends” na kayo. Kasoo, hindi pa rin. Aasa.. Aasa..

Stage 5. Nag-Rugby ka ba?
 Naku. SABOG ka na talaga. Buong araw gumagana ang player niyo. Lahat ng kasama mo sa bahay naiinis na sayo kasi paulit-ulit yung mga kantang pinapatugtog mo. Maawa ka naman sa player niyo, kung buhay yan, kanina pa niya siguro ISINUKA yung cd na paulit-ulit mong tinutugtog. Yung mga kapitbahay mo, inis na rin. Yung iba pinaghihinalaan ka ng baliw kasi hindi ka nagsasawa sa pinakikinggan mo. Pag matutulog na, makikinig sa ipod gamit ang earphones. Mag-iimagine na kasama mo sila sa bitch. Este beach. :)))

Stage 6. Meet Your Friends for Life
 Naks! Lumelevel na talaga! Infairness! Napag-isipan mo nang sumali sa CLANS. Kaya ngayon, alam na alam mo na ang gig sked. Daming new friends! Daming new karibal! HAHAHA. Kala niyo naman, lahat kayo papatulan. PWAHAHAHA.

Stage 7. Assuming Si Ate
 Pinakaka-abangan mo. GIGS!! Ayun o! Pupunta na siya. Makikita niya na yung “pinaka-mamahal “ niya! Dito talaga. Lagas ang pera mo. Sayang ang pagod mo. At parang binasura mo ang oras mo. GRABE! Napaka-assuming mo ngayon sa stage na to. Unting hello lang, feel mo naman may pag-asa ka na. Pa-shake hands-shake hands pa kayo. Aba! Talagang pati mga kapamilya niya “na-meet” mo na. Tas feeling mo naman kamag-anak mo sila kasi tawag mo sa mama at papa niya “tito” or “tita”. Aabot din sa pa-hug hug pag nagkita. Beso-beso. Napaka-tricky! Akala mo naman may something na!! Excited ka na for their next gig. Aasa.. Aasa..

Stage 8. Wala Naman Ikaw Napala, WALA WALA WALA WALA.
 Next gig. Makikita ang girlfriend ni “loves” mo. Badtrip. T_T Uuwing luhaan. Feel na feel mong mag-emote with your type of “crying song”.  At kung talagang Melodramatic ka, magkukulong ka pa sa kwarto para umiyak sa harap ng salamin.

Ngayon mo lang marerealize na hindi ka niya finollow back sa twitter at inignore niya ang friend request mo. Pag-asa? DUROG.
Lumipas ang ilang taon..

Stage 9. “I’m So Over It”
 Sa Wakas! Nauntog na rin sa pader. Nagising sa katotohanan. You’re so over it na! Pero may pagka-bitter. Tas ma-mimiss mo yung mga nakilala mong “new friends”. Mag-plan na magkita kayo sa isang gig nila.

Stage 10. HUWAAAT?!
AYOS! Bonding time ulit with your “ka-lister friend”. Gulat ka! Aba, kilala ka pa nung band member? HAHAHAHA. Babalik ka sa stage 2.

Papunta ka pa lang.. Pabalik na… Makinig sa mga expert. :)))

No comments: