Saturday, August 6, 2011

Tatlo kami sa iisang tent. Madilim na para magliwaliw pero maliwanag pa para matulog. Bilog na bilog ang buwan. Malalim na ang gabi pero mukhang hindi pa kami inaantok. Napili na lang namin na mag-usap tungkol sa kung ano-ano lang. Tungkol sa buhay. Tungkol sa kung anong ma-tripan na mapag-usapan.
Bago ako mahiga, ito ang sabi sa akin ng isa sa mga kasama ko..

“Kung papipiliin ka, masaktan o magsisi, magsisi ka na lang. Mas mahirap masaktan.”
Ah oo, mas madali nga sigurong magsisi kesa masaktan. Sige, yun na lang ang pipiliin ko.
Yun ang napag-isipan kong sagot sa sinabi niya. Hindi iyon tanong, pero yun ang sagot ko. Sige, magsisisi na lang siguro ako.

Pero habang tumatagal, nag-iiba ang pananaw ko.

Hindi ka naman pwedeng pumili sa kahit isa sa mga ito. Magka-ugnay ito kahit anong gawin mo.
Bakit ka ba nasasaktan? Kasi kasalanan mo? Kaya nga pinagsisisihan ang mga kasalanan eh.
Bakit ka nga ba nagsisi? Kasi nasasaktan ka. Nasasaktan ka kasi hindi mo naisip yung mga bagay na SANA inisip mo. Hindi mo kasi napakita kung ano yung mga bagay na SANA ipinakita mo. Hindi mo kasi napatunayan yung mga bagay na SANA pinatunayan mo. At higit sa lahat, nasasaktan ka kasi hindi mo nagawa yung mga bagay na SANA ginawa mo.

No comments: