Wednesday, August 3, 2011

Unang Echos ng Echoserang Bata sa Taong 2011

Lahat ata ng tao dumaan sa kabaduyan. Bago sila maging cool at astig, minsan silang naging baduy , jologs at promdi. Tama ba ako o nag-iimbento na naman ako? Hahaha. Hindi ko rin alam. Na-realize ko lang yan pero hindi ko alam kung tama o mali. Para sa akin, lahat kasi ng bagay nagbabago. Kung sa palagay mo, permanente na yan sa tao, nagkakamali ka. Siguro mga impormasyon lang naman ang hindi nagbabago, pero ang gusto, pakikitungo, relasyon, at ayaw ay nagbabago. Siguro dahil na rin sa ilang impluwensya na nasa paligid.

Tulad ng pag-puti ng itim na buhok. Tulad ng paglanta ng mga dahon. Tulad ng pangangalawang ng isang pako na nakapako sa pader. Tulad ng isang pagkain na napanis. Tulad ng paggawa ng alak. Tulad ng pagiging malilimutin ng isang tao. Tulad ng pag-expire ng mga de lata sa grocery stores. Tulad ng pagdating ng bagong bagyo dito sa Pilipinas. Tulad ng pagpapalit ng model ng mga cellphone sa Nokia. Tulad ng pagkalaos ng isang artista. Tulad ng paglipat ng kapitbahay mo sa ibang bansa. Tulad ng paglaki ng batang nasa tyan mo. Tulad ng pagkain na itinae mo. Tulad ng pagpalit ng sipilyo at twalyang pangligo. Pati na rin ang kobre kama niyo. Tulad ng pagsikip o pagluwag ng damit mo sa iyo. Tulad ng paghaba ng kuko at buhok mo. Tulad ng bagong version ng isang patalastas ng isang produkto. Tulad ng pagtungtong mo sa kolehiyo. Tulad ng pagkupas ng maong na binili ng nanay mo. Tulad ng pang-aaway sa iyo ng mga naging kaibigan mo. Tulad ng pagiging babae ng isang lalaki. Ganun rin naman ang pagiging lalaki ng isang babae. Tulad ng pagpapalit ng mamahalin at iibigin. Tulad ng salitang “forever”.

Hindi ko rin alam kung bakit ang dami-dami ko pang sinasabi rito, eh isa lang naman ang nais kong ipahatid sa inyo.

HAPPY NEW YEAR!

Salamat sa lahat. Sana kasama ko pa rin kayo sa dadating na taon. Hindi dahil sa gusto ko o utang na loob, kundi dahil gusto niyo. :D

No comments: