Hindi talaga maiiwasan ang pagkasabaw ng utak ng mga estudyanteng may pasok ng sampung oras mahigit.
Ganito ang nanyayari kapag 7am-7pm kami.
Sa isang klase, PT2..
Sabaw moment 1: may mga damit na kailangan isuot para makapag-hubad. (Parang ang gulo.) O sige, ganito na lang. Tuwing papasok kami sa klaseng ito, meron akong 3 layers ng damit. 1st Layer: Panty at Bra, 2nd Layer: One-piece bathing suit at cycling shorts, 3rd layer: T-shirt at Jogging Pants. May pagkakataon kasi na kailangan namin tanggalin ang t-shirt o jogging pants para mai-expose ang katawan para sa demo.
Kaklase 1: Uy, may dala akong limegreen na bra.
Ako: O talaga? Wow. Sa akin kasi puti lang bra ko eh.
Kaklaseng bingi: Ako meron akong dalang colored pencils.
Guide Question: Paano maisusuot ang colored pencils bilang bra? Ibahagi sa klase kung ano ang pakiramdam kapag natutusok ka ng tip of the colored pencil kapag suot-suot ito.
Sabaw moment 2: Merong mga experiments na gagawin, kailangan tanggalin ang jogging pants. Ayoko mag-volunteer dahil hindi naman kagandahan ang katawan ko.
Ako: Uy ikaw na. Sexy ka naman eh.
Kaklase 1: Oo nga ikaw, o kaya sila na lang o.
Kaklase 2: Ayoko nga, kayo na lang. Ayoko nga na ako lang mag-isa babae maghuhubad.
Kaklase1: Sige na, okay lang yan. Kayo na. Sporty naman kayo. Pare-pareho naman kayong ball players eh.
Ako: (May ibang naisip, tumawa na lang sa sarili.)
Guide Question: Ano ang “balls” na nilalaro nila? Masaya bang laruin ang mga ito? Ihalintulad ito sa pagkain ng saging.
No comments:
Post a Comment