Wednesday, August 3, 2011

Tuldok

Isipin mo ito. Merong isang blangkong papel. Sa kalagitnaan nun, may isang itim na tuldok. 

Kapag nakita mo ang blangkong papel, ano ang unang-una mong mapapansin? 
Pupusta ako, ang una mong makikita eh yung itim na tuldok. Hindi mo mapapansin kung gaano kalinis o kaputi yung blangkong papel na iyon. Di mo mapapansin kung may lukot o wala. Kahit anong laki ng tuldok na iyon, yun agad ang mapapansin mo hindi ba?

Parang sa tao, ganito rin. Kadalasan, kapag may mga hindi magandang bagay na nagagawa ang isang tao, yun na ang tatatak sa isip ng karamihan. Mahirap ng burahin. Mahirap ng tanggalin. Lagi nang nakakabit iyon sa pangalan niya, kahit anong laki ng pinagsisihan niya. 

Hindi nabibigyan ng sapat na rekognisyon yung mga magagandang bagay na nagagawa pero sobra-sobra naman kung makapangpuna ng mga mali. Hindi napapansin yung mga nagawang kabutihan, pero pag kamalian ang pinag-uusapan memoryado pa ito. 

No comments: