Lahat ng tao artista.
Bakit ko nasabi?
Bawat isa sa atin, may pelikulang pinagbibidahan.Yung mga taong nasa paligid mo, kasama rin sa pelikulang iyon pero hindi sila ang bida.Walang iba kundi ikaw. Lahat ng ginagawa mo, lahat ng desisyon mo at lahat ng aksyon mo, naka-record yan. Naka-record sa isang camera na hindi nasisira.
Hindi lang yan ang dahilan kung bakit ko nasabing artista tayo.
Aminin mo na, medyo showbiz ka rin. Hindi lahat ng bagay ay pwede mong sabihin sa ibang tao. Minsan kailangan mo mag-deny. Hindi mo kasi alam kung anong magiging reaksyon nila sa mga sasabihin mo. Oo, lahat sila pakialamero at pakialamera. Bakit kaya hindi na lang nila pakialaman ang pelikulang pinagbibidahan nila hindi ba? Pakiramdam nila alam nila ang lahat kahit ang totoo ay wala silang alam.
Sa totoo lang, punong-puno tayo ng talento. Magaling tayo umarte. Kahit saan, kahit sinong kaharap natin umaarte tayo. Hindi naman kasi lahat ng tao ay pinapakitaan mo ng totoong ikaw. Syempre, iniisip mo rin naman kung anong iisipin nila tungkol sa iyo. Lalong lumalabas ang pagka-talentado mo kapag may problema ka. Ang galing mo nga eh. Kapag tinanong ka ng ibang tao kung ayos ka lang, magagawa mo pang ngumiti at sumagot ng “Oo naman”.
Itong pelikulang pinagbibidahan mo, wag mong kalimutan na hindi pwedeng paulit-ulit. Isang “take” lang lahat ng to. At isa pa, wala rin pala itong“Cut”.
Galingan mo. Goodluck. Sana manalo ka bilang best actress o best actor.
No comments:
Post a Comment