Normal lang siguro na magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng isang lalaki at isang babae. Kadalasan kasi HINDI daw maintindihan ng mga lalaki ang gusto ng mga babae. Kaya siguro madalas rin akong makarinig ng mga ganito.
“Hindi ko alam kung anong nasa isip mo.”
“Hindi ko mabasa kung ano yang takbo ng utak mo.”
at marami pang iba na parang ganyan din naman. Ewan ko lang kung tama ako, pero palagay ko ganito kasi talaga ang nanyayari.
Minsan kasi may mga sitwasyon na ang mga babae ay gumagamit ng REVERSE PSYCHOLOGY. Ito yung binabaliktad mo yung kung ano ang talagang gusto mo para makuha mo ang nais mong resulta.
Halimbawa..
Kapag merong isang party na invited si Boy at hindi si Girl, malamang magpapaalam si Boy hindi ba?
Boy: Pwede ba akong pumunta sa debut ni (insert another girl’s name) bukas?
Girl: Ah.. Oo, ikaw bahala. (Pero deep inside ayaw niya.)
Edi syempre pupunta si Boy hindi ba? Pero magugulat na lang si Boy kasi parang nagtatampo na si Girl. Ang labo hindi ba? Masyado kasing literal ang pag-pick up ng isang lalaki sa mga sinasabi ng babae.
Isa pa, yung katagang “Ikaw ang Bahala”, parang isang pagsubok yan. Alam talaga ng babae kung ano ang gusto niyang gawin mo pero hindi niya ito sasabihin dahil gusto niyang ikaw mismo ang makaisip nun kasi “dapat alam mo na yan” daw. Kaya nga laging sinasabi ng mga lalaki ang mga katagang“Hindi ako manghuhula”.
Hindi ko rin alam kung ano ang nasa likod ng ganitong kaisipan ng mga kababaihan. Magulo, pero intindihin niyo na lang. Mahal niyo naman kami eh. :D
No comments:
Post a Comment