Sa isang klase, habang napag-uusapan ang mga Demonyo at Anghel na posibleng andito kasama natin..
Kaklase: Naniniwala ka ba sa mga bagay na hindi mo nakikita?
Ako: E naniniwala ka ba sa mga bagay na hindi mo nararamdaman?
Siguro naman, parehong pinaniniwalaan ang mga bagay na iyan.
Unang tanong, oo. Naniniwala ka sa mga bagay na hindi mo nakikita, tulad ng hangin. Hindi mo nakikita pero nararamdaman mo. Minsan malamig, minsan mainit. At kapag may umuutot, naamoy mo agad.
Pangalawang tanong, oo. Naniniwala ka sa mga multo. At lalo naman na naniniwala ka sa mga taong nagsasabi sayo na “Mahal ka” kahit na hindi mo nararamdaman. Masyado ka lang nalunod sa mga salita niya pati na rin sa nararamdaman mo para sa kanya. O kahit sabihin mong hindi ka naniniwala.. Ows? Talaga lang ha?
O, ano tama ba?
No comments:
Post a Comment