Kinakamusta ko lang yung sarili ko. Wala lang. Para lang masabi na may pakialam ako sa mga nanyayari sa buhay ko. Charot. Ang daming alam. Gusto ko lang magdaldal kasi matagal na akong hindi nagdadaldal. Ang tagal nang hindi pumuputak ang bibig ko dito sa mundong ito gamit ang mga kamay ko na nagta-type ng mga bagay na tumatakabo sa utak ko. Okay, hindi ko rin na-gets kung ano yung sinabi ko. Pero syempre, echos lang. MAGULO. INCOHERENT.
Isang linggo bago mag-exams, nabaliw ako ng panandalian. Hindi naman yung baliw na may sakit sa pag-iisip. Kumbaga parang naloka lang ako sa mga dapat gawin. Sa sobrang dami nila, kulang ang 24hrs. sa isang araw. Madalas kong marinig ang beauty sleep na dalawang oras. Napapadalas rin ang mga taong hindi naliligo na umaabot sa tatlong araw. (Oo, maski nag-dissect kami.)
Reporting, sabay-sabay. Tae lang, hindi ako marunong mag-english kaya bahala na lang umintindi ang hindi nakakaintindi. Written report, dalawa. Isang pagco-compile at conclusion, ayos lang. Pero ang discussion ang pinakamahirap. Ang lawak ng topic, hindi ko alam kung saan ako magmumukmok. Meron pa pala isa, gagawa rin ng report. Humanap ng journal sa library, natanga ako paano maghanap.
Quizzes ganun din, araw-araw. Pero wala akong paki. More quizzes, more items, more chances of winning. Ewan ko pero parang patapon lagi ang mga quiz paper ko. Tipong lulukutin mo muna bago mo itapon sa basurahan. Bawi. Bawi. Laban o Bawi.
Namimiss ko na kumain ng madami. Ewan ko ba, pero maski pagkain parang napakatagal gawin. Parang dapat 5 minutes lang busog ka na kasi madami ka pang gagawin. Namimiss ko na rin uminom ng Smart C. Yung lemon. Pati gatas. Pati kumain kasabay mga magulang ko. Pati kumain sa KFC. Pati kumain ng pesto na pasta. Namimiss ko na rin mag-internet. Namimiss ko na rin gumala. Namimiss ko na rin mga kaibigan ko. Namimiss ko na ang mga tao. Namimiss na kita.
Buti na lang merong pinahiram sakin yung kaibigan ko na CD. Basta mga CD karton lang ang lagayan. Kontento ako sa mga kanta. Pero namimiss ko rin pakinggan ang mga yun. Parang makikinig ako tapos ipipikit ang mga mata, at hindi namamalayan na nakakatulog na. Kaya ayun, namimiss ko pa rin pala.
Naalala ko yung pakiramdam na naiwan ko yung USB ko sa Computer Shop na walang aircon. Yung nagbabantay mukhang kinalimutan na ang pagligo at pagsisipilyo kaya siguro nalimutan niya rin ibalik yung USB ko. Hindi niya pinaalala kaya nakalimutan ko na rin. Ang pangit ng feeling, parang iiyak ako kasi akala ko mawawala na ang past life ko. Andun lahat ng litrato, sikreto, pag-uusap, recordings ko, videos, lahat.
Naalala ko rin yung kaibigan ko, nag-aaral kami ng Brachial Plexus. Tinuturuan niya ako. Tinuturo at kinakalkal ang mga ugat at muscles ng matabang patay sa gilid ng room. Huli na ang lahat ng malaman niyang butas ang gloves niya. Kaya mahirap talaga kapag nabubutasan eh, nadadale tuloy.
Basta. Busy. Busy. Busy. Busy sa lahat. Mabuti ito, limot lahat.

No comments:
Post a Comment