Tandang-tanda ko pa..
Breaktime nun, walang magawa. Nag-uusap kami ng kaibigan ko tungkol sa mga bagay na komplikadong intindihin. Mga bagay na mahirap paniwalaan. Mga bagay na hindi pwedeng sabihin kahit kanino.
Biglang dumating yung dalawa kong kaklaseng lalaki. Ang mga chismosong lalaki talaga, tanong ng tanong kung ano yun. Kung anong pinag-uusapan namin. Sinabi ko na lang agad..
“Buntis ako.”
Hindi sila makapaniwala sa narinig nila. Puro “WEH” ang narinig ko. Ayaw nilang maniwala, mukhang nagulantang ko sila sa mga salitang binitawan ko. Nagsimulang mamula ang aking mukha. Ewan ko ba..
“Oo nga buntis ako. Mukhang to? Manloloko?” Nagsimula na rin akong yumuko. Tumingin sa ibang direksyon.
Kitang-kita ko ang mukha nila, mukhang nag-aalala na nga. Ginatungan pa ng kaibigan ko.
“Totoo ba sinasabi nito?”
“Oo nga. Totoo yan, kanina pa umiiyak yan.”
Nagsimula akong magkwento..
“Oo nga. Ang tanga ko.. Hindi ko pa alam kung kanino to. Lasing na kasi ako nun. Sa isang bar, madami akong nainom. Tanga ko lang, sama kasi ako ng sama.”
Tinawag nila yung isa ko pang kaibigan. Sila na mismo nagsabi dun sa kaibigan kong babae. Nagulat na lang ako ng makita kong maluha-luha na yung barkada ko.
“WEH? Totoo ba yan? Iiyak na ako.”
“Oo nga totoo.”
Bago pa siya umiyak ng tuluyan, sumigaw ako ng “HINDI, JOKE LANG!”
Lalo siyang umiyak nung nalaman nya na JOKE lang pala. Nagalit rin siya sa akin. Sorry naman, lakas ng trip ko nun. Ewan ko rin bakit yun yung naisip ko na “pinag-uusapan namin” kunwari. Ayan kasi, mga chismoso.
Mukhang to? Mehn naman. Ako pa, lalaki ata to. Lakas trip lang talaga. Na-share ko lang. Naisip ko kasi, ganito pala kapag nabuntis ka ng maagang edad. Ang daming reaksyon. Kaya mga dalaga dyan, mag-ingat. Wag mong ibibigay yan ng basta-basta. Nako, mahirap na.
No comments:
Post a Comment