Tuwing maririnig ang katagang..
“Get 1 half sheet of paper”
“Get 1 whole sheet of paper”
“Get 1/4 sheet of paper”
O kahit na anong “________ sheet of paper”..
Lahat ng batang mayroong papel, kinakabahan. Natatakot na ilabas ang kanyang pad paper dahil baka maubos ito. Minsan pa nga, hindi pa siya nagsasabi ng totoo.
Kapag may kaklase siyang nanghingi ng papel, kadalasan ang sasabihin niya..
“Wala eh” o kaya naman “Last na to eh..”
At pinaka-matindi ay “Nanghingi rin lang ako..”
Kahit ang totoo naman ay madami pa sa loob ng bag niya. Minsan pa nga, pinipili lang niya ang pinagbibigyan niya ng papel, tulad ng mga kaibigan niya.
Bakit ganun? Eh kasi nga takot siyang maubusan ng papel.
Kagaya ng isang batang nagdadamot at tulad ng isang batang takot maubusan ng papel, lahat tayo nagiging ganito sa ilang pagkakataon. Nararanasan natin na may mga bagay na hindi pwedeng ilabas ng basta-basta. Kailangan piliin kung sino at kanino ito ipapakita o ipagsasabi.. dahil kapag nalaman ng iba na may “isang buong pad paper” ka, posibleng maubos ito at mawala.
No comments:
Post a Comment