Bukod sa pag-inom ng tubig dahil sa init ng panahon.. Meron pang isang paraan para mapanatiling malusog at malakas ang ating katawan.
Ano iyon?
Aba! E napakadali lang naman. Lalo na ngayong summer at wala masyadong ginagawa. Iyon ay ang pagkakaroon ng crush.
Hindi ka nagkakamali sa nababasa mo. Isa talaga yan sa mga susi sa kalusugan.
Sabi nga nila, “An apple a day keeps the doctor away.” Ganyan rin kapag may crush ka, isang sulyap lang. Isang ngiti lang galing sa crush mo, sarap. Buhay na buhay ka na. Talong-talo ang mga multivitamins na nagkalat sa mga drugstores.
Bukod pa sa energy na ibinibigay ng crush mo, sa isang iglap lang, hindi mo mapapansin na naka-ngiti ka na pala mag-isa dyan. SMILE! Ayie. Sabi nga rin ng mga eksperto, 42 muscles ang ginagamit natin kapag ngumingiti tayo. Ang mga muscles na iyon ay magko-constrict, syempre ano pa nga ba ang manyayari.. Mababawasan ang blood flow sa part ng utak. At kapag nanyari iyon, pansamantalang bababa ang temperatura sa may bandang utak. “The cooler the brain, the happier we feel.” Kaya siguro kapag hot na hot ka, sinasabihan ka ng “cool ka lang” ano?
Ilan lang yan. Madami pang iba. Pero babala. Alam naman nating lahat na kapag sobra, masama. Ngayon, kapag hindi na lang crush yan.. Yung tipong mas malalim na, medyo nakakatakot na. Para sa iba, siguro masaya. Pero para sa karamihan, masakit daw.
Tulad rin ng pag-inom ng isang antibiotics kapag may sakit ka, dapat sa tamang oras, tamang amount lang. Tamang gamot, sa tamang sakit. Kasi kapag hindi mo daw ito sinunod, posibleng maging mas malala yung sakit mo.
Kaya dapat pag mas malalim na sa crush.. Mas mainam kung sa tamang tao. Tamang oras. Tamang panahon at tamang pagkakataon.
No comments:
Post a Comment