Tamang tao. Tamang edad. Tamang panahon. Tamang pagkakataon. Yun nga lang.. Maling lugar. Bakit nga ba may “Wrong Distance Relationship”?
Gusto mo na nga yung tao. Hindi lang gusto, mahal mo pa. Tapos gusto ka rin niya. Tipong hindi na siya magiging masaya kung hindi ka niya makakausap. Sakto rin naman yung edad mo kasi meron ka ng sariling isip at pananaw. Good timing din kasi pareho niyong gusto ang isa’t isa. Yun nga lang, magkalayo kayo.
Kumbaga sa Pilipinas, nasa Batanes ka. Tapos siya nasa Jolo. Eh buti sana kung ganoon, eh pano kung nasa magkabilang sulok kayo ng mundo? Advisable ba ito?
Para sa akin kasi mahirap pumasok sa ganitong relasyon. Lalo na kapag sa internet mo lang siya nakilala at hindi pa kayo nagkikita. Hindi mo naman kasi lubusan na makikilala ang isang tao maliban na lang kung makakasama mo siya. Depende rin siguro kung anong level ng “ka-seryosohan” ang gusto mo. Kasi hindi naman pwede na buong buhay mo, aasa ka lang sa internet. Meron kang buhay sa labas ng mundong ito.
Basta pag-isipan na lang ng mabuti. Kasi kahit lahat ng nabanggit sa umpisa ay tama pero kung ang isa ay mali, mali na rin lahat eh.
No comments:
Post a Comment