Wednesday, August 3, 2011

Pakialam mo?

Kanina, pauwi kami galing Divisoria kasama ang aking Nanay at Ate, may nakasalubong kami. Malayo pa nakangiti na sa amin. Dati siyang boarder ng lola ko sa kabilang bahay. Nung nagkalapit na..

Nanay ko: Merry Christmas!
Nakasalubong: Merry Christmas! Kamusta?
Nanay ko: Eto.

At pagkatapos nun, tapos na ang usapan. Minsan talaga mga Pilipino eh ano? Talagang dapat magbatian. Kahit hindi mo kakilala basta nakatingin sayo at nakangiti mapapangiti ka. (Wag lang sa mukhang manyak at adik ha.) Minsan pa nga, kapag may nakasalubong ka, ang dami-dami mong sinasabi at tinatanong kahit hindi mo naman talaga alam. Halimbawa..

Pinoy 1: Ui! (Insert name)
Pinoy 2: Ui! Kamusta?
Pinoy 1: Eto ayos lang. Ikaw? Saan ka punta?
Pinoy 2: Okay lang. Dyan lang.

At pagkatapos nun, tapos na ulit ang usapan. Bakit, alam mo ba kung saan ang “dyan lang”? Hindi rin pero tinatanong mo kasi gusto mo. Galing talaga nating mga pinoy. Ang bait natin! Kaya nga minsan parang may pakialam talaga tayo sa isang tao kahit wala naman talaga. 

No comments: