Wala lang yung title. Isang ka-echosan kumbaga.
AMBIVALENCE.
Ayon sa Wikipedia, “Ambivalence is a state of having simultaneous, conflicting feelings toward a person or thing.[1] Stated another way, ambivalence is the experience of having thoughts and/or emotions of both positive and negative valence toward someone or something.”
Sa madaling salita, ito ay isang kondisyon ng tao kung saan makakaramdam siya ng dalawang magkasalungat na emosyon patungkol sa isang bagay o isang tao.
Kadalasan makikita mo ito sa mga INLABABO. Ito yung mga nasubsub at nahulog sa isang tao. Charot. Ang dami kong sinabi eh “Inlove” lang naman ang gusto kong sabihin.
Hindi ko alam kung bakit pero siguro normal lang na magkaroon ng ganitong feeling. Yung mga tipong
“Galit ako sa kanya pero mahal ko siya.”
Ang labo (mukhang kakailanganin mo magsuot ng salamin) pero siguro ganun na nga.
Ilan sa halimbawa nito ay..
- Naiinis ka sa crush mo kasi hindi nagre-reply sa kunwa-kunwariang GM mo pero send ka pa rin ng send ng mga love quotes.
- Galit ka sa ka-relasyon mo dahil hindi ka man lang binati ng Happy Motmot pero binilhan mo pa rin ng regalo.
- Nag-gagalaiti ka dahil inisnab ka, pero deep inside isang ngiti lang niya maski hindi naman sa iyo, tunaw ka na.
At higit sa lahat, parang ganito lang yan eh..
Galit na galit ka dahil pakiramdam mo ang taba-taba mo, pero kain ka pa rin ng kain.
No comments:
Post a Comment