Isang araw na lang, Valentine’s day na.
Ang tanong: Ano naman?
Bakit ba napakalaking issue ng Valentine’s day?
Kapag dumadating ang buwan ng Pebrero, lahat ng nakikita ko kulay Pula. Valentine’s daw kasi. Bukod roon, nagsulputan din ang mga tsokolate, stufftoy, cards, bulaklak, unan na hugis heart, maliliit ng bagay na naka-stick(parang lollipop), couple shirts at kung anu-ano pa na pwedeng ipamigay.
Syempre yung mga magkasintahan, feel na feel. Achieve na achieve ang datingan! Aba, e meron pa ngang kissing churvaaaa sa lovapalooza. Todo date, akala mo wala ng bukas..
Yung mga taong may napupusuan, todo bigay rin ng kung anu-ano sa kanilang mga gusto. Mapababae, mapalalaki, mapabakla, mapatomboy. Lahat nagbabakasakali..
Nakakawindang lang, lahat ng to ginagawa kapag Valentine’s.. Bakit, pwede naman to gawin kahit hindi araw ng mga puso ah. Aantayin mo pa ba ang Valentine’s day para ipakita at iparamdam mo sa mahal mo na mahal mo talaga siya? Dapat hindi.
At bukod sa Valentine’s day, ipinagdiriwang din ng mga taong single ang Single Awareness Day.
Yung iba, walang pakialam. Yung iba nagdurusa, akala mo namatayan. Ano naman kung single ka? Naiinggit ka ganun? Sigurado naman na may nagmamahal rin sayo. Tulad ng pamilya mo, ni Lord God, mga kaibigan mo, pati yung asong o pusang alaga mo.
Kadalasan, yung iba napre-pressure. Talagang naghahanap lang ng kung sinu-sino para may maka-date sa Vday. Basta ito lang ang masasabi ko. Ang pag-ibig, hindi yan minamadali. Dadating yan sa tamang lugar, sa tamang tao at sa tamang pagkakataon. Wag mo siyang hanapin, kasi ikaw ang hahanapin niya.
No comments:
Post a Comment