Kagaya ng mga posts ng iilan, tungkol rin ito sa Semana Santa.
Nung Biyernes, galing nga ako sa Jesus and Me youth camp. Simula nun, pinangako ko sa sarili ko na magiging aktibo ako sa mga activities ng youth sa aming simbahan. Sa totoo lang, taon ng mga kabataan ang year 2011. Kaya kami ang inatasan na mag-handle ng kung ano-anong gagawin sa simbahan. Nagsimula ito nung Huwebes.
Washing of the feet. Kailangan lang naman namin magsimba para suportahan ang ilang miyembro ng PYM (Parish Youth Ministry) sa pagganap bilang mga apostoles ni Jesus Christ. Biglaan lang ata, o baka hindi ko lang talaga alam, iikot daw yung imahe ni Kristo sa loob ng simbahan. Inutusan kaming harangan ang mga tao para bigyan daan yung lalakaran nung imahe. Hawak-hawak na kami ng kamay. Nasabihan na namin ang mga tao na bawal na pumasok sa looban ng simbahan dahil iikot na yung imahe. Okay na. Biglang may matandang babaeng nagre-react. “Ano ba naman yan! Para naman kaming preso nito!”
Biyernes. Pagkatapos ng misa ng Seven Last words, may prusisyon ulit. Marshall ulit ako. Ang sabi papilahin ng 2 lines. Mga pinoy nga naman talaga, sa umpisa lang magaling. Nung nagsimula kaming maglakad, ang ayos-ayos ng pila. Habang tumatagal, gumugulo ng gumugulo ang linya nila.
Parang yung isang matandang babae, 3 beses ko ng sinabihan na“dalawang linya lang po”. Isa sa kanan ko. Isa sa kaliwa ko. Aba, gustong gumitna. Pag sinabihan ko, babalik sa pila.. Pag talikod ko, nasa gitna nanaman. Ano ba ate?
Parang yung mag-jowa na ayaw maghiwalay. 2 linya nga, gusto magka-holding hands pa rin. Tapos yung isa pang mag-jowa nilapitan ko, “Ate, dalawang linya lang po.” Sabay sabi ng.. “Hindi ko na kasi kayang maglakad, kailangan ko ng alalay.” Okay na eh. Pagbibigyan ko na.. Nalingon lang ako saglit sa iba, ayun. Si ateng nahihilo, nakikipagharutan na sa jowa niya. Ate, akala ko ba hilo ka? Anyare?
At dito talaga ako nainis! Yung mga mamang pacute! Pinapapila ko ng maayos, tatawa tawa. Pag naglakad ako, naninitsit pa. Titignan ko, magpapacute. Maglalakad ako, babasahin yung placard ko ng SILENCE tas tatawa ng malakas. KOYA, ang tanda niyo na po, magbagong buhay na po kayo.
Naikwento pa nga sa akin ng kaibigan ko na nag-marshall din na doon sa linya niya, may matandang uugod-ugod na nagsabi sa kanya..
“Ano ba yan ne! Kahit anong gawin mo, wala ka ng magagawa para mapaayos tong mga pila niyo, sa sobrang dami ng tao.”
Ito na lang daw ang sinabi niya..
“Lola, maaayos po ang pila niyo kapag sumunod tayo. Matatanda na po tayo, marunong na po tayo dapat sumunod.”
Mga tao nga naman oh. Semana santa na nga pinapairal pa rin ang katigasan ng ulo.
No comments:
Post a Comment