Gabi. Pumunta ako sa isang debut ng barkada ko nung highschool, masaya naman. Sakto lang. Busog sa pagkain. Tradisyonal. 18, 18, 18. Piktyur. Usap. Daldal. Hindi ko ganun ka-close mga tao pero masaya pa rin.. Kasama ko mga kaibigan ko na sobrang na-miss ko.
Pagkatapos nun, hayup na hayup na ako gumala. Pumartey. Parang tanga lang. Punta sa Timog. Punta sa Puting Abenida. Sige, upo. Nomnomnom. Boring. Unti ng tao. Walang DJ. Panget ng tugtug. Walang nag-sasayaw. Sige upo lang.
Maya-maya, may umaligid na aso. Tulo ang laway. May hawak na “Sex on the Beach”. Nag-sasayaw ng parang ahas. Labas ang dila. Kung makipag-usap, pakiramdam mo tutuklawin ka.
Pagkatapos ng ilang minuto, nagsimula na ang totoong partey. Lumabas ang Dj. Sumaya ang tugtog. Nagsilabasan ang mga babaeng nagsasayaw sa maliit ng entablado na may ledge. Dalawa sila. Shorts lang ang suot. Lagay ng masking tape sa parte na iniingatan nila. Lagay ng pinta sa katawan. Sige lang, tuloy.
Yung aso, o baka ahas, nagsimulang lumingkis ng mga babae. Sobrang bastosng gago. Mukhang manyak dahil manyak talaga. Isa na doon si Katya Santos na ang idol ay si Taylor Swift.
At pagkatapos ng gabing iyon, nangako ako sa aking sarili na hindi na pupunta sa Puting Abenida.
No comments:
Post a Comment