“Polyethylene” IUPAC name. Mas kilala sa tawag na “Plastic”.
Madalas nating maranasan ang ganitong mga panyayari sa ating buhay. Sa totoo lang, napaka-talamak nito dahil kahit saan ka magpunta, meron nito. Ang Ka-plastikan ay merong dalawang uri. Tulad ng types of communication, meron itong INTER-PERSONAL PLASTICNESS at INTRA-PERSONAL PLASTICNESS.
Magsimula tayo sa INTER-PERSONAL plasticness. Ito yung pakikipag-plastikan mo sa ibang tao. Oo, lahat ng tao plastik. Alam nating lahat na masama ang maging plastik sa kapwa pero meron tayong kanya-kanyang dahilan para gawin ito. Isa sa mga rason ng pagiging plastik ng isang tao ay dahil ayaw niyang magkaroon ng gulo. Ayaw niyang madawit siya sa kung ano man kaya naman pinili na lamang niyang maging plastik. Bukod doon, posible rin naman na iyon talaga ang kanyang “purpose”. Ibig sabihin nun, may masama siyang balak, katulad ng mga kontrabida sa Telenovelas at Teleserye.
Ang pangalawang uri ng kaplastikan ay ang INTRA-PERSONAL plasticness. Ito naman yung pakikipag-plastikan mo sa sarili mo. Yung tipong nagiging hipokrito ka kasi maski sa sarili mo nagsisinungaling ka. Halimbawa, inlababo ka pa rin sa nakaraan mo. Ngunit alam mo naman na hindi pwede kaya ipinipilit mo sa iyong sarili na wala na talaga kahit meron pa naman talaga. Ang posibleng dahilan ng intra-personal plasticness ay ang kagustuhan na maproteksyunan ang iyong sarili upang hindi ka masaktan.
No comments:
Post a Comment