Minsan mahilig tayo sa ganito.
Aminin mo sa sarili mo na masarap suyuin ng ibang tao. Ang sarap ng pakiramdam kapag may taong maglalambing sa iyo at magpapakita na kaya niyang gawin ang lahat para sa iyo. Masaya eh. Pakiramdam mo espesyal ka. Pakiramdam mo napaka-importante mo.
Kaya ito, unting mali lang ng kaibigan o ng kasintahan o kung sino man, ikagagalit mo kunwari. Kahit mababaw lang. Hanap butas. May nasabi lang, galit na kunwari. May nagawa lang, galit na kunwari. Naging busy lang saglit, galit na kunwari. May nalalaman pang Cold o Silent treatment cheverloo.
Pero ano nga ba ang totoo? Galit ka nga ba? O gusto mo lang maramdaman na importante ka sa taong iyon?
Normal lang yun. Ganun naman talaga eh. Ang maramdaman na maynagmamahal sa iyo ay isa sa mga posibleng dahilan kung bakit gusto mo pang mabuhay dito sa mundo. Isang pakiramdam na walang katapusan na hinahanap-hanap ng tao.
Ang mahirap lang eh kapag nag “galit-galitan effect” ka, tapos sinabayan pa niya, posibleng mauwi sa totoong away. Hanggang sa maiinis na kayo sa isa’t isa kasi walang nanunuyo. Paano ba naman kasi, pareho nga kayong galit-galitan.
Minsan talaga dapat alamin mo kung ano yung biro sa hindi, para naman hindi magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.
No comments:
Post a Comment