Naalala ko nung bata ako, tinuruan akong magsulat ng aking mahal na ama. Syempre, ipagpapatuloy yun sa iskwela. TADAAAA! Hanggang sa natuto na talaga akong mag-sulat.
Lapis ang gamit ko noon. Lagi naman eh. Mongol pencil number 1, 2 at 3. O kaya naman para medyo sosyal, gumagamit rin ako ng magic pencil with matching magic eraser. (Malamang wala naman talagang magic doon, pero parang magic pencil din kasi yung dating niya.. De bala..)
Excited akong gumamit ng ballpen noon. Parang ang ganda kasi. Pakiramdam ko okay na ako. Magaling ako. Ang ganda ng sulat ko.
Pero meron akong isang kapintasan na nakita sa mga ballpen. Ano yun? Hindi siya nabubura (hindi natin pinag-uusapan ang friction pen dito okay? Ordinaryo lang. Tipong HBW. Ganun.) Pag nagkamali ka, mali ka na. Oo alam ko may liquid eraser, correction tape at eraser na nagsasabing nakakabura ng ballpen (pero sa totoo lang, pinaninipis lang nito ang papel mo kaya mukhang nabura yung sulat mo.) pero aminin mo, hindi mo na maibabalik yung linis ng papel tulad ng bago mo ito sulatan.
Parang buhay.. Kung ano yung nakaraan mo, hindi mo na mabubura. Andyan na yun. Kaya nga siguro dapat bawat hakbang, eh kailangan pag-isipan ng mabuti. Kailangan matuto sa mga nagawang pagkakamali. Mahirap na. Pang-permanente eh. Nakakatatak na. Kapag nagkamali ka, mantsa na yun. Kahit anong kiskis mo, di na yun matatanggal. Magkaroon ka man ng amnesia, wala pa rin magbabago. Yun pa rin yun.
No comments:
Post a Comment