Para sa akin, ang tunay na blogger.. May sense ang mga post. Okay lang kahit walang sense, basta masaya basahin ang mga inilalagay sa blog. Kumbaga nakakaaliw o kaya naman may natutunan akong mga aral. Maganda rin kung maglalagay siya ng mga orihinal na sariling gawa niya o kaya naman kahit magkwento lang siya ng buhay niya. Okay na sa akin yun..
Kung tutuusin naman, lahat naman tayo dito ganun. Kaya nga masaya eh..
Pero sabi ng iba, kapag sumisikat, parang “nawawalan ng kwenta” yung mga posts. Yun ang sabi ng iba.. Ewan ko lang.. Pero naisip ko lang..
Kapag magaling kang blogger, malamang marami kang magiging taga-subaybay.
Kapag marami ka ng naging taga-subaybay, nagiging limitado na ang nailalagay mo sa blog mo.
Kapag limitado na lang ang mailalagay mo, wala ka ng mapo-post kundi yung mga pang-superficial na lang.
At kapag nanyari yun.. “Mawawalan ka na rin ng kwenta..” ayon sa iba..
Ganun nga ba talaga ang nanyayari? O makulit lang itong utak ko?
No comments:
Post a Comment