Sabi ng barkada kong lalaki, proven ang fact na “Mas malilibog ang mga babae kesa sa mga lalaki”. Halo-halong reaksyon ang nagsilabasan. May ibang hindi makapaniwala. Yung iba naman sobrang affected. Yung iba deadma lang.
Siguro kung meron akong mensahe para sa lalaki, meron din para sa babae.
Kung ikaw ang merong Fungal infection, lagyan mo na lang ng Canesten. Effective ata iyon sabi nung endorser nun. Pwedeng mag-isip ng mabuti? Kasi kung tutuusin luging-lugi ka kapag nagkataon. Lugi ka kapag pumayag ka sa PRE-MARITAL SEX.
Unang-una. Tandaan mo, ang babae nalalaman kapag birhen o hindi. Pero ang lalaki, hindi mo ito makikitaan sa kanya pisiolohikal na istraktura.
Pangalawa. Sinong mabubuntis? Sa buong buhay mo, sa lahat ng kakilala mo, sino ang lalaking nabuntis? Wala naman hindi ba? Nakabuntis madami.
Pangatlo. Kahit ibigay mo yan, wala pa rin kasiguraduhan na hindi ka niya iiwan.
Yung sinasabi ng karamihan na “madadala ka sa emosyon at yung tipong sobrang bilis ng panyayari hindi mo mamamalayan”. Wag kang maniwala sa ganun. Babae ka. Nasa sa iyo yan. Hihingi ako ng tawad sa gagamitin kong salita.. “Pero hindi naman niya ito ipapasok kung hindi ka pumayag.” Dahil kapag nanyari yun at hindi mo pinahintulutan, pwede mo siyang kasuhan ng rape.
Sana i-reserba mo na lang yan sa taong karapat-dapat sayo. Yung taong pakakasalan ka at hindi ka iiwan pang-habang buhay kahit anong manyari. Kahit sabihin natin na walang salitang forever at lahat ng bagay ay may katapusan. Kahit papaano kapag ganun ang sitwasyon, may karapatan ka sa kanya at mayroon din naman siyang karapatan sa iyo dahil mag-asawa kayo. Pero kung hindi? Mag-isip ka muna ng maiigi.
—
Para sa lahat ng kabataan..
Hindi naman lahat ng bagay kailangan nang gawin. Hindi rin naman lahat ng panyayari eh kailangan nang maranasan agad-agad. Ilagay sa isip na dadating yung tamang oras para sa mga bagay na ganito.
Oo nga, at may kasabihan na “Actions speak louder than words.” Pero sa ganitong pagkakataon, sige na.. Mag-words ka na lang, saka na muna yung actions.
No comments:
Post a Comment