Wednesday, August 3, 2011

Close-Open

Sabi nila, kapag matagal mo ng hindi nakakasama o nakikita ang mga taong malapit sayo, mami-miss mo daw sila. Totoo kaya iyon?

Para sa akin, dalawa ang posibleng manyari kapag ganun.

Una, posibleng hindi na kayo maging close. Hindi na maging katulad ng dati. Paano?
Naalala ko noon, lagi ko naman nababanggit dito sa blog na ito na meron akong mga kaibigan dati. Akala ko magtatagal sila sa tabi ko panghabang buhay.. Pero dumating yung panahon na nagdalaga kami.. Niligawan sila, ako hindi. Nagkaboypren sila.. Ayun, nawala na. Iniwan na ako. Hanggang sa kapag nagkikita kami ngayon, hindi na tulad ng dati. Kapag matagal mo na kasing hindi nakikita o nakakasama ang isang tao, posible na hindi ka na maging updated sa buhay niya. At sa susunod na magkikita kayo, imposible naman na pakinggan mo ang kanyang oral autobiography o kaya naman ay makinig siya sa iyong oral autobiography. At kapag nanyari iyon, hindi na siya magiging open sayo kagaya ng dati.

Tandaan, lahat ng tao ay nagbabago. Yung mga taong kilala mo noon, baka iba na sila ngayon.

Pangalawa,posible na mamimiss mo talaga.

Siguro depende rin kasi to, kung gaano katibay yung pundasyon na nabuo ninyo. Maganda kung magiging ganito ang epekto ng pagkakalayo niyo. Kapag ganito kasi ang nanyari, matuto kayong pahalagahan ang bawat oras na magkasama kayo. 

No comments: