Babala: Posibleng mainis sa mga mababasa kapag badtrip. Bukod doon, ang ilang mga ideya ay posibleng magpakita ng mga personal na isyu ng manununulat kagaya na lang ng insecurities at pagka-ambisyosa. Nga pala, normal na tao lang kasi ako.
Karamihan sa mga babae, gustong-gusto magpapayat. Hindi ko alam kung bakit ganun ang isipan ng mga kababaihan. Kahit payat naman, pakiramdam nila nag-sisigawan ang microfats nila. (Oo hindi mo naman kasi talaga kita ang taba dahil payat nga.)
Isa ako sa mga babaeng gustong magpapayat. Pero ako, totoo na may pagkataba. (Medium lang naman, pero mataba talaga. Natatakpan lang ng tamang pananamit.) Ewan ko ba pero hirap na hirap ako. Hindi ako makapag-exercise dahil nakakapagod. At hindi rin naman ako makakapag-diet dahil nakakagutom. Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit gusto ko na pumayat.
1. Mag-e-18 na ako, utang na loob. Napakalaki ng expectations ko sa mga babaeng mage-18. Pakiramdam ko kasi dapat may makita ka talagang pagbabago. Syempre magdadalaga na. Magma-mature na. Kumbaga parang isang bulate na magiging paru-paro at parang isang swan. Dapat mag-bloom na parang napakagandang bulaklak. Dapat wala na yung mga baby fats kasi nga 18 na. Hindi na baby. Paano mo matatawag na babyfats ang taba ng 18 year old na babae kung hindi na siya baby, malamang fats na lang. At hindi yun excuse. (Sa totoo lang, di ko rin naintindihan ang mga sinabi ko eh. :|)
2. Para makasuot na ako ng mga damit na cute a pwedeng bilhin sa Divisoria. Meron talagang mga cute na damit na benebenta dun. Yung mga pang-korean o kaya maski cute na t-shirt lang. Ang kaso hindi nga kasya sa akin. Masyado akong mataba para magkasya sa mga ganun. Alam mo yung tipong 100php lang yung t-shirt pero babayaran mo ay 120php dahil XL ang kukunin mo? Nakakalungkot isipin diba mga kaibigan? Charot! Yung mga shorts pa dun, ang mura. Kaso hindi rin ako kasya, pang mga sexy lang ang kasya sa ganun. Paano ako makakatipid kung puro XL na may extrang bayad ang bibilhin ko?
3. Para madali akong maakbayan. Kung iisipin mo, parang ang landi naman ng pangatlong rason ko ano? Pero para sa nanay ko yan. Kapag umaalis kasi kaming mag-ina at nagu-Ultimate Bonding Experience, naka-akbay siya sa akin. (PDA kaming magnanay eh. Pakibels mo.) Tapos lagi niyang sinasabi na ang lapad ko raw, mahirap akbayan. Kailangan ng full arm length to be able to make akbay to mehhh. (Ansave mo teh?!)
4. For Profession. Balang araw, magiging isang ganap na Licensed Physical Therapist ako. Syempre kailangan nasa kondisyon ang katawan ko. Paano ko mabubuhat ang mga pasyente kong sarili kong katawan ay hindi ko mabuhat hindi ba? Paano ko mabibigyan ng tamang exercise ang mga pasyente kung ako mismo hindi ko kayang gawin yun. Sa totoo lang, masyado akong mabilis hingalin. (Ito ata ang pinaka-valid reason ko.)
5. Para makapag-aral ng surface anataomy. Ito talaga. Kapag payat ka kasi makikita mo yung mga insertions ng tendons mo sa kamay mo. (Try mong lagyan ng tension ang kamay mo, may makikita kang mga thingy na nakakabit sa proximal part ng daliri mo.) Alam mo yung makikita mo yung mga insertions ng forearm muscles mo. Ako kasi hindi ko makita yung iba. Napaka-helpful nito kapag may practical exams kami. Example na lang na taong pwedeng pag-aralan ang surface anatomy ay si Manny Pacquiao. Talagang kitang kita mo yung Rectus Abdominis niya pati yung mga Serratus Anterior. Maski nga Serratus posterior kita mo na sa kanya. Lalo na yung Pectoral muscles. (Pasensya at nagsalita ng greek.)
6. Para manalo sa pustahan! Nako, sayang ang dalawang daan ko. :|

No comments:
Post a Comment